Chapter 32

4.5K 76 16
                                    

Ivory POV...

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. His presence and smell makes me addicted, unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga matang matagal ko ng pinapangarap. Ang ngiti niya na matagal kong hinintay, ang mukha niya na ngayon ko lang natitigan. I closed my eyes again dahil baka panaginip lang ito, baka umasa at masaktan na naman ako.

"Hon c'mon wake up" minulat ko ulit ang mga mata ko at nakita itong nakangiti habang magkalapit ang mga mukha namin. Ilang inches nalang magtatama na ang mga labi namin.

Mabilis akong gumulong palayo sakanya at tinakpan ng unan ang mukha ko. Shet! So this is not a dream!? Ahhhhh! Naramdaman kong parang may nagwawala sa tyan ko at sobrang init ng mukha ko! Gosh! Hindi niya ako pwedeng makitang ganito.

"Hey *chuckle* what are you doing?"

"Y-you're not true" oh shocks! Muntik ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa nasabi ko.

"Of course I am haha c'mon nagluto nako ng breakfast para satin. I will wait you in the dining area. I love you" at tanging pagsara nalang ng pinto ang narinig ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

Napa upo ako sa kama at sinampal sampal ang sarili ko knowing that this is just a dream. But I was wrong, nilibot ko ang mga mata ko sa napaka familiar na kwarto. I remembered na dito ako sa bahay namin umuwi kagabi, I missed this. I missed my room uwaaaa! Nagpagulong gulong ako sa kama at sinusubukang ikalma ang sarili. Hindi pwedeng magpatihulog agad ako sa mga sinasabi niya, napabuntong hininga ako at naghilamos muna.

Pagbaba ko ay naamoy ko na agad ang mga niluto niya. Kaya mabilis akong pumunta sa kusina at doon naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape. Lumingon siya sakin at ngumiti, agad naman akong nag iwas ng tingin. I still can't believe na si Clint ang kaharap ko ngayon.

"Come sit here" agad naman niya akong pinanghila ng upuan kaya lumapit ako doon para maupo.

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko, kinakabahan tuloy ako baka marinig niya.

"Here pinagtimpla kita ng coffee" binigay niya sakin ang tinimpla niyang kape at nilagyan din ako ng pagkain sa plato ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya, bakit biglang naging maamo ang mukha niya? At yung mga mata niya bakit biglang nagbago? Dati puro galit at poot ang nakikita ko, pero bat ngayon biglang naging malumanay? Bigla siyang tumingin sakin kaya umiwas agad ako ng tingin sakanya.

"L-let's eat" hays naiinis ako sa dila ko bakit kailangan mautal pa sa harap niya.

Tumango siya at umupo na sa tabi ko. Tanging kutsara at tinidor lang ang maririnig mo, wala ni isa man samin ang nagsasalita. Di ko naman kasi alam anong sasabihin ko, alangang tanungin ko siya kung bakit niya ginagagawa to? Nalilito din ako sa sarili ko kung bakit ako sumusunod at nagpapatianod sakanya.

"Hmm so how's your feeling hon?"

*cough...cough*

"H-hey are you okay?" natatarantang tanong niya at mabilis kumuha ng tubig. Muntik nakong mabulunan dahil sa biglang pagsasalita nito. Gosh! kainis naman di man lang ako ininform na magsasalita siya hays!

"I-I'm fine" I answered bago ininom ang tubig na binigay niya.

Hindi ko na nagawang sagutin pa ang tanong niya dahil pinili ko nalang magpatuloy sa pagkain. Binilisan ko ang pagsubo dahil di ko na makayanang tumagal dito kasama niya, pakiramdam ko malulusaw nako dahil sa presensya niya.

"I'm done" I said bago tumayo at akmang aalis na sana ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Can we go out for a date later?" Para akong biglang kinuryente ng hawakan nito ang kamay ko. Argh! this is making me crazy!

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon