I stayed here at the cafe na malapit sa condo ko. Kailangan kong magrefresh dahil baka matuluyan nako sa sorang pag iisip.
"Fel?" napalingon ako ng tawagin ako ni Tan err? Bat siya nandito?
"Tan? What are you doing here?" bungad na tanong ko sa kanya.
"Ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan eh, what are you doing here at bakit mag isa ka lang?"
"Ahm wala gusto ko lang mapag isa sana" alinlangang sagot ko dito.
"Why? Iniisip mo parin ba yung about sa inyo ni-"
"Cut it. Iba ang iniisip ko and hindi siya" walang emosyon na pagpigil ko sa sasabihin niya. I'm done with him. I decided to sign the annulment papers after kong makagawa ng mission.
"Oh sorry, can I seat besides you?" napakamot naman ito sa batok niya kaya napangiti ako at tumango sa kanya.
"Sure" nakangiting sagot ko.
"May gagawin kapa ba after this?"
"Wala naman, magpapahangin at maglilibot lang why?"
"Oh good! Samahan na kita wala na din naman akong gagawin" natatawang sabi nito sakin.
"Baliw hahaha osige na no choice naman na ako eh"
"Bakit ayaw mong kasama ako?" parang batang biglang lumungkot ang mukha nito.
"Hay naku Doc, bat naman kita tatanggihan? Gusto ko ngang kasama ka eh para pag may nangyaring masama sakin, may taga gamot ako hahaha" biro ko sa kanya.
"Walang mangyayaring masama sayo hanggat kasama moko okay?" nakangiting sabi nito sabay pisil sa ilong ko.
Nagkukwentuhan lang kami at nagtatawanan ng may isang taong huminto sa tapat namin.
Napatingin naman ako dito at muntik nakong masamid sa iniinom ko ng makita siya.
It's been a week narin since I left him, and I thought okay nako. Hindi parin pala, nandito parin yung sakit at the same time pagmamahal ko sa kanya.
"Fel I think we need to go" agad na sabi ni Tan at hinawakan ako sa kamay para tulungang tumayo. Thanks to him, masyadong nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga oras nato.
"Where are you going?" malamig na tanong nito habang nakatingin sakin.
Why? Why did he asked that stupid question to me?
"Let's go" walang atubiling aya ko kay Tan. I can't take it anymore, di ko kinakaya ang presensya niya.
Aalis na sana kami ng pigilan niya ko. Bigla akong naestatwa dahil sa hawak niya. Nakaramdam ulit ako ng isang boltaheng kuryente sa katawan. Shit! Anong ginagawa niya!? Ayoko ng bumalik sa kanya! Sawa at pagod nako!
"Let me go" malamig na turan ko sabay titig sa mga mata niya. Kailangan kong ipakita na hindi ako naaapektuhan , kailangan kong maging malakas. Alam ko na any time pwede akong traydurin ng sarili ko. Buong buhay ko natakot ako sakanya, buong buhay ko nagpa alipin ako sa pagmamahal sa kanya.
Kahit gaano pala katapang at kalakas ang isang tao, nagiging mahina ito pagdating sa taong mahal niya. Pero gaya ng isang timbang tubig, nauubos din ito. Nauubos din ang pasensya ko.
"No" matigas at ma awtoridad na sabi nito.
"Brad, let her go. He's not yours anymore" sabat ni Tan at hinigit ako papunta sakanya.
"She's still not sign the papers"
Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabasin? Na sa kanya pa ako dahil di ko pa pinipirmahan ang annulment papers? Hawak niya pa ko dahil kasal pa kami? Pagmamay ari niya pa ko dahil hindi pa kami talaga hiwalay? Nakakakilig sanang pakinggan pero hindi eh, siguro wala siyang mapagbuntungan ngayon dahil wala nako. Wala na siyang mapaglaruan dahil umalis nako! He's really an asshole and selfish guy.
"Really? *smirk* don't worry, you'll receive it as soon as possible"
"I-I want y-you" mas lalo akong napangisi dahil sa sinabi niya. He wants me? For what? Para may mapaglaruan na naman siya? Kotang kota nako sa ganyan niya.
"This makes nonsense. Let's go Tan" higit ko sa kamay ni Tan. Di pa kami nakakalayo ng biglang na namang may isang demonyong parating. Ano meron? Reunion ng mag asawa pero naghiwalay at ang mahal pero di kasal? Wow naman!
"Hey babe! Bakit di mo ko hinintay?" nakangusong tanong nito at parang lintang dumikit sa asawa ko.
The hell I care! Magsama sila!
"Hey! Ivory is that you?" napapikit ako at nagtitimping humarap sakanila. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak ni Tan sa kamay ko kaya nakuha nito ang atensyon ko.
"Be strong, I'm here" umangat ang tingin ko sa kanya at saka ngumiti. Siya talaga ang taga pagtanggol ko sa mga ganitong pagkakataon.
"Oh look! What a coincidence haha siya ba ang bago mo?" halos kumulo na ang dugo ko dahil sa mga sinasabi ng babaeng to. Masyadong mabaho ang bunganga, tignan ko lang kung hanggang saan yang tapang mo.
"Why did you asked? Masaya bang maging kabit?" Nakita kong nawala ang ngisi sa mukha niya na halatang napahiya dahil sa tanong ko. May mga taong napapatingin na sa pwesto namin dahil sa pagsasagutan na ginagawa namin.
"H-how dare you! Kasal lang kayo sa papel pero hindi ikaw ang mahal niya" pinilit kong itago ang totoong nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Natawa naman ako ng pagak at saka sila nginisihan.
"Fel don't mind them let's go" sinubukan akong higitin ni Tan palayo sa kanila ngunit hindi ako nagpatinag at nanatili lang sa kinatatayuan ko.
"Yeah you're right. Kasal lang kami sa papel at hindi ako ang mahal niya happy? And don't worry sayong sayo na siya, hindi nako magpapakatanga pa sa taong walang ginawa kundi ang itapon ako. Aalis na ako at hinding hindi na guguluhin pa ang buhay na gusto niyong buuin noon pa" tumitig ako sa mga mata ni Clinton. Hindi ito ang mga matang madalas kong makita sa kanya. Ano ngayon ang gusto niyang palabasin sa mga ito?
"From now on, ibang Ivory na ang makikilala niyo. Hindi na ako ang dating Ivory na mahal na mahal ka"
Matapos kong masabi lahat ng iyon ay hinigit na ako ni Tan palayo at dere deretchong sinakay sa sasakyan niya.
Wala akong imik at tahimik lang na nakatingin sa labas.
"You can cry" napatingin ako kay Tan na deretchong nakatingin sa daan na minamaneho niya.
"No" matigas na sagot ko dito.
Tinabi niya ang sasakyan at tinitigan ako ng mabuti.
"I know kanina mo pa pinipigilan ang mga luhang yan" tumingin ako sakanya at sa di malamang dahilan ay kusa nalang nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko.
"M-masakit parin Tan" niyakap ako ng mahigpit nito at wala nakong nagawa kundi ang umiyak sa mga braso niya.
"Ssshhh it's okay. I'm here don't worry" niyakap ko lang siya at nag thank you ng ilang beses. Unti unti akong nakaramdam ng antok, dahil siguro sa pagod at sa mga nangyari Simula kahapon. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang nakayakap sa kanya. I feel safe and comfortable because of him. Sana siya nalang minahal ko, sana siya nalang ang pinili ng puso ko. Sana ikaw nalang Tan, sana ikaw nalang ang mahal ko.
Cristan's POV...
Nanatili kaming magkayakap ni Fel hanggang sa maramdaman kong hindi na ito gumagalaw at naging payapa nadin ang paghinga niya.
I rested her back on her seat and stared at her for awhile. Bat ang ganda niya parin? Kahit kagagaling niya lang sa iyak at mugto ang mga mata, she's still beautiful in my eyes.
Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan itong mabuti. I protected you before, so I can protect you again.
Kung sana ako nalang ang minahal mo hindi ka masasaktan ng ganito. Kung sanang hindi siya ang tinitibok ng puso mo, hindi ka iiyak ng ganito.
I kissed her forehead at pinasuot ang seatbelt sa kanya.
She did to hide her feelings in front of them, but her eyes speaks the truth, that she's still love Clint, kahit nasasaktan siya dahil dito.
Tinignan ko ulit ang mukha nitong napaka amo and I smiled bitterly. I wish someday you'll notice me Fel, more than just a childhood friend.
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...