Kasalukuyan akong nag iimpake ng damit ko ngayon dahil mamaya na kasi yung alis namin.
Enebe kenekeleg eke! Excited ako masyado, gusto niyong sumama? Wahahaha sorry pero hindi pwede, kailangan magkaroon kami ng sweet moment ni Clint.
"Can you move faster?" banas at inip na sabi ng asawa ko, masyado akong nagpapatansya at diko napansin na nakatayo na pala si Clint sa tapat ng pinto nitong kwarto. Di ko napansin ang pagdating niya, masyado kasing occupied yung utak ko kung ano ba ang mga mangyayari samin pagdating namin doon.
"Sandali at patapos nako" mas binilisan ko na lang ang pag aayos dahil naalala ko bigla na may pupuntahan pa pala kami.
Pagtapos kong maayos lahat ng gamit ko ay dali dali akong bumaba. Ayaw na ayaw pa naman ni Clint ang babagal bagal kumilos.
Pagbaba ko ay nakita kong papalabas na ito ng pinto kaya naman mabilis ko siyang hinabol para makasabay sa kanya. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nangyayari samin ang ganitong moment. Nagmumukha na nga akong timang dito dahil sa lapad ng ngiti sa mukha ko.
This is my first time na makakasakay ako sa kotse niya. Dapat chill lang wag masyadong pahalata na kinikilig self, easy lang.
Mabilis siyang pumasok sa driver seat kaya pumasok na rin ako. Akala ko nga ay pagbubuksan niya ako ng pinto, pero ayos lang dahil nag uumpisa pa lang naman kami.
"Get out" napaigtad ako at nagtatakang lumingon sa kanya. Kunot ang noong nakatingin ito sa harap, nagtataka ako kung bakit niya ko pinapalabas? Diba sabay kaming bibili ng mga pagkain?
"M-may problema ba?" kinakabahang tanong ko. Inamoy ko pa ng bahagya ang sarili ko at wala naman akong naaamoy na kakaiba. Naligo at nagpabango naman ako bago lumabas ng bahay.
"Claire owned that seat, I didn't let anybody to seat right there"
Ouch.
Sakit non ah.
Bumaba nalang ako dahil alam kong sisigawan at sasaktan niya lang ako kapag nagmatigas at pinilit ko yung gusto ko.
Tahimik akong lumipat sa backseat, yung kaninang sigla at ngiti na nakasilay sa mukha ko bigla nalang nawala, kahit sino naman diba? Nasasaktan ako pero ayokong maging dahilan ito para tuluyang masira ang araw ko.
I want to pretend that everything is okay.
I want to grab this chance to spend and enjoy my time with him. I know this is just a temporary, but I will do everything para mapakita ko sa kanya na mahal na mahal ko siya, kahit na araw araw ko namang pinapakita iyon.
But he never noticed it because he doesn't love me, wala naman siyang pakialam sakin.
Nakarating kami sa supermarket na walang kibuan, sabagay noon pa naman hindi kami nagkikibuan kahit na magkasama kami.
I tried to talk to him at sinubukang makipagkwentuhan sa kanya, but he remained silent and ignore me.
Nanahimik nalang ako habang sinusundan ito. Maya maya pa ay bigla itong nagsalit na ikinagulat ko ng bahagya.
"What foods do you like?"
"A-ako ba kausap mo?" wala sa sariling tanong ko.
"Are you nuts? May iba pa ba akong kasama maliban sayo?" di makapaniwala at parang naiinis na sabi nito.
"A-ah kahit ano nalang" pagsagot ko sa tanong niya.
Ano pa? Ano pang pwedeng sabihin para lang makausap ko siya ng matagal, kahit na puro panlalait lang ang isasagot niya ayos lang, masaya parin ako dahil nakakausap ko siya.

BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...