Chapter 50

2K 29 0
                                        

Cristan's POV...

"Love malapit nako sa airport" napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.

"Yup. Nandito nako. I can't wait to kiss you" narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito galing sa kabilang linya.

"Oo na po kinikilig nako"

Naghintay lang ako dito sa airport dahil gusto ko ako ang unang sasalubong sa kanya. I'm really in love with her, I didn't expect na magkakakilala kami sa magulong sitwasyon. I sighed nang maalala ko ang mga nangyari one year ago.

Parang naging bangungot iyon sa aming lahat.

Nang malaman ko ang nangyari kay Ivory ay agad akong napatakbo sa ospital. Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nasa sasakyan. Hindi ako makapag isip ng maayos. Gusto kong sisisihin ang sarili ko. Dapat nandun ako. Dapat sumama ako. Tangina.

Pagdating sa ospital ay nakita ko silang nag iiyakan. Halos manlambot ako dahil sa mga nakikita ko galing sa kanila.

"K-kelly where's Fel?" lumingon ito sakin habang maga ang mga mata nito. Narinig ko ang pagwawala ni Clint at ang pangungulit niya sa doctor.

Parang biglang gumuho ang mundo ko. Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko kayang marinig.

Fuck! Nangako ako sa kanya na poprotektahan ko siya. But what did I do? Wala man lang akong nagawa para sa kanya.

Napakawala kong kwenta!

Umalis ako sa lugar na iyon at iniwan sila. Rinig ko pa ang pagtawag ni Kelly sakin.

Hindi ko kayang manatili doon. Hindi ko kayang makita siyang hindi na humihinga. Dumiretcho ako sa simbahan upang magdasal. Alam ko na kahit hindi siya sumasagot ay naririnig niya kami. Naririnig niya ang bawat hinaing namin. Ilang minuto akong nanatili doon bago napagpasyahang lumabas.

Patayo na sana ako ng biglang magsalita ang isang babae sa tabi ko.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon