Chapter 26

4.3K 61 0
                                    

Halos hindi nako makagalaw dahil sa mga nalalaman ko ngayon tungkol kay Lolo Jade. So anak niya ang pumatay sa mga magulang ko? anak niya din ang pumatay sa best friend ng mama ko?

It means tito siya ni Clint?

"Anak ko siya sa labas. Nagkaroon ako ng karelasyon habang kami ng lola ni Clint. At aksidenteng nabuntis ko siya, pero hindi ko sinabi sa asawa ko dahil nagkataon na buntis din siya noon sa mama ni Clint"

Nawalan na akong ganang kumain dahil sa mga naririnig ko mula sakanya.

"Mas pinili kong itago ang nangyari noon. Binayaran ko sila at sinabihan na huwag na akong guguluhin at ang pamilya ko. Naging tahimik ang pamumuhay namin hanggang sa aksidenteng magkita kami ni Vin. At that time malaki na siya, naramdaman kong may kakaiba sa kanya unang kita ko palang kaya pina imbestigahan siya at doon ko nalaman na siya ang anak ko sa labas. Hindi ko sinabi sakanya na anak ko siya pero pakiramdam ko na alam niyang ako ang ama niya kaya nakipag kaibigan siya sa mama ni Clint at kinuha ang loob nito. Hindi ko alam na may binabalak siyang masama, nagkagusto siya sa isang babae at yon ang mama mo. Pero sadyang mahal ng mama mo ang papa mo kaya hindi natanggap ni Vin iyon. Dahil sa galit at sama ng loob pinatay niya ang mga magulang mo at dahil gusto niya ding maghiganti, pinatay niya din ang kapatid niya na bestfriend ng mama mo"

Parang bigla akong nabingi dahil sa huling narinig ko. Ibig sabihin ang bestfriend ni mama ay ang mama ni Clint!? At...at

At ang batang niligtas ko noon ay si Clint?

"W-what!?" gulat na gulat na tanong ko. I can't believe this! All this time si Clint yung bata na yon!?

"Kasalanan ko lahat. Hindi ko alam na hahantong siya sa ganon, hindi ako nakagawa ng paraan para iligtas ang anak ko at ang mga magulang mo. Kaya ayoko na ulit mangyari yon"

Naguguluhan at napapa iling ako....parang ang dami dami kong hindi alam. Nalilito at naguguluhan parin ako.

"Ano pa ang hindi ko alam" naguguluhang tanong ko.

"Nalaman ko na may anak si Vin noon at mahal na mahal siya ng anak niya. Nandoon ang anak niya noong mga panahon na yon at nakita niya na *tumingin sakin* ikaw ang pumatay sa papa niya"

"H-hindi ko sinasadya. S-siya ang may kasalanan!"

"Alam ko hija kaya nandito ako para itama lahat ng pagkakamali na yon noon. Alam ko hindi ko na mababalik ang mga buhay na nawala pero gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo"

"What do you mean?"

"Naghihiganti ang anak ni Vin ngayon"

Naramdaman ko ang biglang pagsakit ng ulo ko kaya napahawak ako dito. Epekto siguro ng nangyari kanina at idagdag mo pa lahat ng nalaman ko ngayon. Parang ngayon lang nag sisink in sa utak ko.

"Are you okay? I think you should rest first"

"No, I needed to know kung sino ang anak niya"

"Malalaman mo din kung sino siya Ivory. I already had a plan and I know may kakayahan kang ipagtanggol ang sarili. Hindi mo lang nagawa iyon noon dahil hindi mo kayang saktan ang apo ko, tama ba?" hindi ako umimik sa tanong nito. Oo tama siya, hinayaan ko si Clint na saktan ako kahit ang totoo kayang kaya kong kitilin ang buhay niya. But I can't, dahil mahal ko siya higit pa sa buhay ko. If I harmed him, I also harm myself. Kaya mas ginusto kong ako na lang ang masaktan, dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. I did my best to protect him, but it end up, I protected nothing.

"Balikan mo na ang apo ko"

Napatayo ako at di makapaniwalang tumingin sa kanya.

"What? After what he had done to me? After what happened? After what he did? After all of this? You want me to come back with him? You've must to be kidding me lo!"

Marahas na bulyaw ko at iniwan siyang mag isa doon. I want to rest. Baka hindi na kayanin ng utak ko pag pinilit niya pa ang gusto niya. Dapat magalit ako dahil sa mga nangyari, pero alam ko wala ng kwenta yon. Alam ko naman na hindi niya din ginusto ang nangyari noon. Hindi ko lang matanggap na tinago niya sa amin ang mga pangyayaring iyon.

Clint POV...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I felt something different. Tsk! Wag mong sabihin na tulog pa ang babaeng yon hanggang ngayon.

I sighed at lumabas ng kwarto para tawagin siya.

"Ivory!" sigaw na tawag ko sa pangalan niya. I waited her to reply but I received nothing. The house is too quiet.

Kumatok ako sa kwarto niya but still no respond. Kaya binuksan ko na ito, her smells covered by this room.

I saw nothing on her bed, naka ayos lang ito at parang walang natulog doon. Pumasok ako at pinagmasdan ang buong kwarto niya, her room filled empty. I can't feel her presence here.

I tried to call her again but still no responds. I saw something on her bed side table so i walked towards there.

She left it here?  I don't know pero mabilis kong binuksan ang walking closet niya and yeah I was right, she already left me.

Naikuyom ko ang mga kamay ko, dapat maging masaya ako because finally wala na siya sa buhay ko.  Finally napagod na siya but fuck! What is this feelings inside of me? Seems like i want to take her back, I want her to come back.

Damn! Napa upo ako sa kama niya at napasabunot sa buhok ko. I hate this feelings!

Argh! I want her back.

Ivory POV...

Naalimpungatan ako dahil sa ringtone ng cellphone ko.

I saw my husband's number. Yeah, we're still married dahil hindi ko pa napipirmahan yung annulment papers na ipinadala sakin.

I sighed and turned off my phone, I need to buy a new sim.

Lumingon ako sa drawer ko kung saan may nakapatong na envelope doon. Ano pa bang kailangan niya? Magpapasalamat ba siya kasi sa wakas umalis nako? Sa wakas pwede na silang magpakasal ni Claire oras na ma annul kami? Hahahaha grabe ang saya non.

Unti unti na naman nag unahan ang luha sa mga mata ko. Uyyy! Umiiyak kana naman! Tama na yan. Maging masaya kana lang kasi sa wakas magiging masaya na siya. Hindi naman kasi siya naging masaya sa piling mo diba? Bigla akong napahagulgol dahil sa mga iniisip ko. Bakit ba kahit wala na ako sa tabi niya, hinahanap hanap ko pa rin siya? I wanna break my heart, nang sa ganon hindi ko na maramdaman ang ganito.

Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa mukha ko.

Alam ko balang araw, makakalimot din ako. Balang araw, sasaya din ako.

Pero sisiguraduhin ko na sa piling na ng iba.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon