Habang nagsasayahan ay bigla kaming napatigil dahil sa taong pumasok. Narinig ko ang pagsinghap nung iba ngunit binalewala ko nalang ito at tumitig lang sa kanya. Nakita ko ang bahagyang ngisi nito ngunit hindi ako nagpahalata at sinalubong siya.
"Lolo! Good thing you're here. Nagpropose na po si Clint sakin!" nakangiting salubong ko sa kanya. Napansin ko ang kakaibang titig nito kaya't binalewala ko at inaya ito na samahan kami.
Pasimpleng tumingin si Isha sakin at saka sila nagkatinginan ni Hazel.
"Uhm excuse po mag cr lang kami" paalam ni Hazel kaya tumango ako at nginitian ito.
Naramdaman ko ang kakaibang aura sa gilid ko kaya bahagyang humigpit ang hawak ko sa tinidor.
"Good thing at naisipan na nitong apo ko na pakasalanan ka Ivory. Hahaha knowing him na sobrang taas ng pride" nakitawa nalang ako at nakisakay sa kanya.
I can't believe this! Di pa rin ako makapaniwala na siya ang may pakana nito. Di ako makapaniwala na siya ang mastermind sa lahat ng gulo na nangyari sa mga pamilya namin. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ko pa rin siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa mga magulang ko.
Kinuyom ko ang mga kamao ko at pinipigilan ang sarili na sugurin siya, ayokong makahalata ito at malaman niyang alam ko na nagpapanggap siya.
"Whatever old man" sagot ni Clint sa kanya habang umiiling. Di nakalampas sakin ang bahagyang ngiti na gumihit sa labi niya. Alam ko na kahit ganito siya sa lolo niya ay mahalaga pa din ito sa kanya. Ano kayang mararamdaman at magiging reaksyon niya oras na malaman niya na si lolo Jade ang may pakana ng lahat? Na ang lolo niya mismo ang gustong magpapatay sa kanya?
Lumingon ako kay lolo Jade at nagulat ng makitang nakatingin ito sakin. Ngumiti ito ng makahulugan kaya nginitian ko din siya pabalik.
I'll make you pay.
Matapos ang ilang sandali ay nagsiuwian na din ang lahat. Naiwan naman kami ni Clint kasama si lolo.
"Pwede bang sa bahay niyo muna ako tumuloy ngayong gabi?" makahulugang sabi nito kaya't biglang kumabog ang dibdib ko. Kung ano man ang binabalak niya ay sisiguraduhin kong hindi ito magtatagumpay.
Hindi naman umangal si Clint kaya sumang ayon na din ako.
Walang kumikibo sa amin habang nasa byahe. Di ko rin siya kayang kausapin, dahil baka mapatay ko siya ng wala sa oras. Mahalaga din siya sa buhay ko, pero dahil sa mga nalaman ko, kahit na yung katiting awa narararamdaman ko ay parang nawala.
Pagdating sa bahay ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Pumasok naman kami sa kwarto at sinigurado kong nakalock ito ng mabuti.
Agad naman akong niyakap ni Clint kaya't gumuhit ang ngiti sa labi ko. Hindi ko lang alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang totoo.
Inangat nito ang mukha ko at nag aalalang tumitig sakin. "What's wrong? Is there something bothering you?" he asked.
Napabuntong hininga naman ako at sinubukang ibuka ang bibig. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay nakarinig kami ng kalabog galing sa baba.
Mabilis kaming napatayo at dinampot ang mga baril na nasa side bed table namin.
"Stay here" utos nito kaya't kunot noo akong humarap sakanya.
"No. You stay here" matigas na sabi ko. Lumingon naman ito sakin na nakaawang ang bibig.
Bago pa ito makapagsalita ay dahan dahan nakong lumabas. "Shit" rinig kong mura nito bago sumunod sakin.
Nakarinig ulit kami ng kalabog kaya nagkatinginan kami at mabilis na bumaba. Nagulat ako ng madatnan ko ang kalat sa baba at ang iilang lalaking nakahandusay sa sahig.
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...