Ivory POV...
*ring...ring*
"Hello?" agad ko namang pinunasan ang mga luha sa mata ko pagkasagot ko sa tawag.
"Hey Fel! How are you? I miss you" napahagulgol ako pagkarinig ko sa boses ng isa pang best friend ko.
"What happened?? Where are you? Sinong kasama mo? Fel! Tell me"
"I am here at playground" agad naman niyang ibinaba ang tawag. I know pupuntahan niya ako dito. Kahit di ko sabihin ang exact place alam niya na. Madalas kami dito noon and ito yung naging tambayan namin bago siya pumunta ng ibang bansa.
Tumingala ako at tumingin sa langit. Bakit ganon? Bakit hangga ngayon si Clint pa rin ang mahal ko. Gusto ko ng kalimutan siya pero bakit di napapagod tong letseng puso ko! Bakit siya pa din ang minamahal ko hangga ngayon. Konting lambing at tawag niya pangalan ko wala na. Balik na naman ako sa dating Ivory na mahal na mahal siya.
Hinayaan ko lang umagos ang mga luha mula sa mata ko. Nakakapagod magpanggap, nakakapagod tumakbo. Kahit anong gawin ko siya pa din talaga. Siya pa din ang laman ng puso ko.
May naramdaman akong yakap mula sa likuran ko. At kahit di ko tignan kilala ko kung sino ang lalaking yumayakap sakin.
"I'm here" bulong nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Humarap ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit, bakit sa tuwing nasasaktan ako ikaw ang laging nandito Tan. Di ba pwedeng ikaw na lang ang mahal ko?
"Sshh go on baby just cry" hindi ako bumitaw ng yakap sa kanya. Kailangan ko ng kasama ngayon at siya ang laging nandito para pakalmahin ako. Pero di ko kayang pilitin ang puso ko na siya nalang. Hindi ko kayang diktihan ang damdamin ko na mahalin siya. I can't.
"What happened?" pagtatanong nito.
Huminahon naman ako at umupo sa isang upuan doon. Sumunod naman ito habang nakatitig sakin, nailang ako bigla sa tingin niya. Para kasing inoobserbahan nito ang bawat galaw ko.
"Kelly was kidnapped" agad namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"What!? Kailan pa??"
"Kanina lang umaga but she's now okay. Ligtas na siya" nakita ko ang pag aalala sa mga mata nito. Napalapit na din kasi sa kanya si Kelly at parang magbestfriend na din ang turingan nila sa isa't isa.
"How come? Hindi ko alam" nalilitong tanong nito. Bumuntong hininga ako at kinuwento sa kanya ang mga nangyari. Halos di siya makapaniwala sa mga naririnig niya. But I needed to tell him, kailangan niya na din sigurong malaman ang lahat ng tungkol sa buhay ko.
"I'm a gangster" pag amin ko dito at agaf namang kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.
"Are you kidding right?"
"No. I'm serious Tan" hindi ko sinabi sa kanya na isa akong gangster dahil akala ko di ko na babalikan iyon. Di ko din sinabi sakanya na nakapatay nako, natakot ako noon na baka iwasan niya ako bigla. Siya lang ang nag iisang kaibigan ko noon, tinago ko yung totoong ako dahil ayokong mawala siya sakin.
"Bat ngayon mo lang sinabi lahat ng yan?" malamig na tanong nito.
"Ikaw lang ang meron ako noon. Natakot ako na baka pag sinabi ko sayo iiwasan mo ako" napabuntong hininga ito at hinawakan ang mga kamay ko.
"I understand. Wala bang masakit sayo?" napangiti naman ako dahil sa tanong nito.
"You know I'm a gangster"
"Yeah yeah alam ko na wag mo ng ipagmayabang"
Natawa lang ako dahil sa reaction niya. He's really my buddy, ngayon na nasabi ko na sa kanya wala na akong dapat itago. Maybe even Clint know who I am, siguro nasabi na din sakanya ni lolo.
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomansaAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...