Chapter 40

3.2K 90 11
                                    

Nagmasid masid ako sa paligid at huminga ng malalim. I don't know kung bakit dito ako napadpad, siguro dahil parte na din to ng buhay ko. Bumaba ako sa motor at naglakad papunta sa lugar kung saan kami madalas maglaro at magkita noon.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang pigura nito. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kinauupuan niya, I'm really nervous right now but I need to face him. I want to confront him, It feels like, I'm missing something.

"T-tan" pagtawag ko sa kanya na agad naman niyang ikinalingon.

Nakita kong gulat ang mukha nito na napatingin sa akin. I sat beside him and sighed.

"A-about a while ago, I-I'm sorry" I don't know why do I need to say sorry pero nakokosensya ako lalo na nung nakita ko ang mga mata niya.

"You don't need to say sorry Fel, I understand" humarap ito sa akin at ngumiti. Tinitigan ko ang mga mata nito at parang kinukurot ang puso ko dahil sa lungkot na nababasa ko sa mga ito.

"I know it from the start haha alam ko naman na mahal na mahal mo siya. Alam kong kahit sinaktan at niloko ka niya ng ilang beses, mahal mo pa rin siya. Am I right?"

Tears fell from his eyes. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya, hindi ko kayang makita siyang ganito.

"I tried to ignored this feelings, I tried to keep it, but I failed. Simula noon hanggang ngayon iisang babae lang ang gusto nitong puso ko. Diba sabi mo noon na gusto mong makilala ang babae na yon? Gusto mong makilala kung sino yung special na sinasabi ko?"

Pinikit ko ang mga mata ko at dahan dahang tumango. Sobrang kabog ng dibdib ko, sobrang bilis ng tibok. Halos pigilan ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang intense na nararamdaman ko.

"I will tell it now,

I love you Fel. Mahal na kita noon pa"

Kung kanina halos pigilan ko na ang paghinga ko, ngayon naman halos hindi nako makahinga. Shit! Bakit kailangan humantong sa ganito?

"T-tan" tanging nasambit ko.

"Haha don't worry. You don't need to say I love you too dahil alam ko namang imposibleng mangyari yon. J-just let me love you Fel"

"A-ayokong maging selfish sa nararamdaman mo Tan. A-ayokong paasahin ka" nakita kong nasaktan ito sa sinabi ko. But it will hurt him even more kapag hinayaan ko ang gusto niya.

"I'm not wishing for something Fel, I'm not saying na mahalin mo din ako. I'm not pushing you to do that, hayaan mong tuparin ko ang mga pangako ko sayo. Hayaan mong mahalin kita"

What should I say? Bakit nahihirapan ako..

"T-tan I-I love you" bago pa ito maka react ay dinugtungan ko na.

"I love you as a best friend, a-as a brother, I-I'm sorry"

Hindi ko namalayang lumuluha na din pala ang mga mata ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Stop crying. I'm okay with it, masaya na ako na malamang mahal mo din ako, kahit bilang isang kaibigan o kapatid lang" sabi nito bago hinalikan ang noo ko.

I don't really want to hurt him. Pwede bang iba nalang? wag na ako. Because he deserves someone better.

Kelly's POV...

Shock! Sabi na nga ba may lihim na pagtingin yung lalaki na yon sa best friend ko eh. Halata naman kasi sa mga kilos at mga mata niya, kung paano niya titigan si Ivory. Manhid lang talaga yung babaeng yon.

"What are you thinking?" napatingin ako sa kumag na nagtanong sakin.

"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Cristan?" curious na tanong ko dito.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon