Someone's POV..."Magaling yang ginagawa mo" nakangising sabi ko dito sabay hithit sa sigarilyong hawak ko.
"Hanggang kailan ko ba gagawin ito? I want a new life! Pagod nako sa mga pinapagawa mo!"
*PAK*
"Stop scolding me. Malaki ang utang ng ama mo sakin kaya hanggat gusto kong gamitin ka ay gagawin ko" mariing sabi ko sa kanya na ngayon ay namumula na ang pisngi dahil sa pagsampal na ginawa ko.
"W-what is the next plan?" nakayukong tanong nito.
Humarap ako sa malaking bintana ng silid na ito at pinagmasdan ang paligid.
"Gusto kong iharap mo siya sakin. Iharap mo sa akin ang apo ni Jade Evans" hinithit ko ang hawak kong sigarilyo sabay apak dito.
"W-what? Why? Anong gagawin mo sa kanya? Akala ko ba yung babae lang ang gusto mong patayin?" humarap ako sa kanya at matalim na tinitigan siya.
"Tanga ka talaga. Manang mana ka sa ama mo na walang ibang ginawa kundi ang pumalpak. Ang apo ni Jade ang kailangan ko, at dahil mahalaga din sakanya ang babaeng iyon kaya siya muna ang uunahin natin, masyado kasing pakelamera"
"A-anong gagawin mo kay Clinton?" nakita kong may pag aalala sa mga mata nito kaya't napangisi ako. Kapag nagawa ko na ang mga plano ko isusunod na kita, pero sa ngayon kailangan pa kita para magawa ko ang mga ito.
"Simply, I'll kill him" I said while grinning.
Kung inaakala ng matandang iyon ay tapos na ako pwes nagkakamali siya.
Nagsisimula pa lang ako.
Ivory's POV...
Minulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na dumadapo sa mukha ko.
I checked the time and it's already 7:30. Geez! napasarap na naman ang tulog ko. Mabilis akong tumayo at dederetcho na sana sa banyo ng biglang may naalala ako.
Umuwi kaya yon kagabi?
Dahan dahan akong pumunta sa pinto at dinikit ang tenga doon. Tahimik sa labas, mukhang umuwi na nga kagabi. Sabagay lalamukin lang siya dyan kung di siya uuwi.
"Good morning hon" literal na nanlaki ang mga mata ko ng magsalita ito kaya't mabilis pa sa alas kwatro na binuksan ko ang pinto.
"H-hindi ka umuwi?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Yup, I stayed here and waited you" sabi nito habang inuunat ang mga braso.
Sinilip ko naman ang paligid at wala namang kahit na anong upuan na nakalagay. So it means pinagtyagaan niyang matulog sa sahig?
"O-okay" sagot ko. Bigla tuloy akong nakonsensya.
Tumitig ito sakin at ngumiti ng malawak.
"B-bakit?" tanong ko dito sabay iwas ng tingin sa kanya.
"You're beautiful" mabilis akong tumalikod at sinara ang pinto. Napabuntong hininga ako bago ulit ito binuksan, nagmumukha nakong tanga sa pinanggagawa ko. Nakokonsensya lang talaga ako dahil nagtyaga siyang matulog dito sa labas.
"Pasok ka na muna" mataray na sabi ko at niluwagan ang bukas ng pinto. Ngayon lang to.
Ngumiti ulit ito ng napakalawak bago tuloy tuloy na pumasok sa loob.
"Stay here. Wala kang gagalawin na kahit anong gamit ko dito. Magluluto lang ako ng agahan natin" i said coldly at dumiretcho na sa kusina.
I prepared bacon, hotdog and fried rice for us. Naglabas na din ako ng tinapay at pinagtimpla siya ng kape.

BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...