Kung aalis ka pwede bang magpaalam ka?
Kung sakaling ika'y lilisan pwede bang magpaalam ka?
At kung disidido ka na talagang hiwalayan ako,pwede bang dahandahan mo lang bitawan ang mga kamay ko?Ayoko pa sanang sumuko dahil mahal kita,pero Ikaw na mismo ang nagbibigay ng dahilan para bitawan kita.
Kung saaki'y Di na talaga masaya,pwede bang Bago ka umalis,kahit isang pilit na ngiti nalang?
Kahit isang halik sa noo O sa labi manlang?Huwag mo sanang isiping Hindi kita minahal,dahil ipinagtatanggol kita sa kabila ng mga sagabal.
Ginawa kitang legal sa harapan ng mga magulang ko.
Sa kabila ng murang edad kong to.
Ipinaglaban kita sa mga mapanghusgang mga mata nila.
Ginawa ko ang lahat magmuka mang tanga.Kahit sabihin nilang Di tayo magtatagal,
Pinanghawakan ko ang sinabi mong "mahal kita,mahal".
Sa pangako mong tayo'y ikakasal,tila ba'y nasasakal.
Nagbabago ka, ng paunti-unti.Sinubukan kong isipin na baka,baka parte ito ng problema sa relasyon na mayro'ng solusyon.
Pero bakit ganto?napapadalas ang panlalamig mo?Ang dating mahahabang mensahe mo,paikli na ng paikli.
At kung bitawan mo ang kamay ko sa harapan ng Barkada mo,kung ipahiya mo ko sa kalinderya kapag kumakain tayo,kung paano mo ako duruhin ng mga salita mong "Ayoko na sayo!Ang taba taba mo na!Ang pangit pangit mo na!Nakakadiri ka!".Asan na?Asan na yung pinangako mong mamahalin mo ko Hindi dahil sa hitsura ngunit dahil mahal mo ako.
Hindi mo ba talaga alam?O talagang Wala ka nang pakiramdam?
Hindi kita sinukuan,sinubukan ko ring lumaban.Pero kung talagang Wala na,kung talagang Hindi na kaya,
Pwede ba? Tulungan mo kong limutin ka?
Kahit paunti-unti lang,sasanayin ko Muna ang sarili ko na Wala ka.

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesie#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...