Dad

6.4K 110 3
                                    

---
Hindi siya payong,
Pero nagsisilbi ko siyang silong.
Pananggalang laban sa panahong maalinsangan,
At lalo na sa pagbuhos ng malakas na ulan.
---
Hindi siya mga bato't semento,
Pero pinatitibay niya ang mga haliging nalulumpo.
Pinatatatag, samahan ng bawat pamilyang Pilipino,
Laban sa paghagupit ng anumang matinding bagyo.
---
Hindi siya monumento,
Ngunit umaraw man o umulan, nananatili siyang nakatayo.
May mga bitak man ang mga kamay na bato,
Hindi pa rin naglalaho ang kanyang pagiging modelo.
---
Hindi siya salamin,
Pero sa tuwid na daan niya ibinabaling ang aking paningin.
Lagi siyang suot-suot ng aking mga mata,
Dahilan upang lalong luminaw ang lumalabo kong pag-asa.
---
Hindi siya si Rizal,
Ngunit handa siyang lumaban nang ang bibig ay nakabusal.
Handa niyang isugal ang sariling buhay,
Mapalaya lamang ako mula sa kamay ng lumbay.
---
Hindi siya si Hudas,
Pero handa niyang iwasiwas ang sinturon.
Ipapamalo kung sakali mang kami'y balasubas,
Upang ipaunawa sa amin ang mga turo ng Panginoon.
---
Hindi siya si Mang Tani,
Pero handa niya akong ilagay sa kanyang area of responsibility.
Humagupit man ang malakas na lindol at tsunami,
Agad niya akong ilalagay sa kanyang state of calamity.
---
DAD!
Tandaan mo,
Baligtarin man ang mundo,
Pati na rin ang pangalan mo,
Wala pa rin magbabago sa pagtingin namin sayo.
---
IDAD!
Mawala ka man sa kalendaryo,
Tumanda ka man nang husto,
Kahit maputi na ang mga buhok mo,
Bali-baligtarin man ang mga numero,
Sumusumpa ako,
Ikaw lang ang nag-iisang DADI ko!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon