Sa panahon ngayon ang bawat bagay ay may katumbas na halaga,
mahal o mura, tatangapin 'yan basta't may kaakibat na pera.
At ako,
oo, pinagbibili ako,
sa presyong limang sentimo.
Hindi ng piso, limang piso o sampung piso,
kundi eksaktong limang sentimo.
Bago mo ko bilhin, hayaan mong isa-isahin ko ang aking kalidad:
Sa usapang pisikal, hindi ako gan'un kagandahan,
hindi ako makinis, matangkad, seksi at pang-rampahan,
hindi ako ang bebot na maipagmamayabang mo sa 'yong kaibigan,
ang tangi ko lamang maipagmamalaki ay,
Isang akong babaeng pangharap sa magulang at pangtapat sa altar ng simbahan.
Ang pinagkaiba namin ng babaeng presyo ang mataaas,
ay kaya ka nyang dalhin sa langit nang sandaling oras.
At ako naman sa murang halaga,
kaya kitang dalhin sa daan ng tunay na pag-ibig, na panghabang buhay mong ikakasaya.
Ngayon, alam mo na ang aking halaga,
buksan mo na ang 'yong pitaka.
Paniguradong wala kang limang sentimos na barya,
dahil nawili ka sa pag-ipon sa babaeng presyo ang mataas, hindi ang halaga.
Hindi porket mataas ang presyo, mataas na din ang halaga,
tandaan ang 'presyo at halaga' ay labis na makaiba,
ang presyo ay ang gagastusing pera,
at ang halaga ay kung MAHALAGA ba talaga?
O, Crisostomo Ibbara bakit nahumaling ka kay Magdalena,
Imbis na ako si Maria Clara na may pagka- Sisa.
O Crisostomo Ibbara, para ka ng si Adang mapangahas,
Andyan lang si Eva, pero bakit kumagat ka sa mansanas ng ahas?
O Crisostomo Ibbara,
O Ikaw man si Adan,
Ito ang 'yong pagkakatandaan,
Madaling humanap ng piso, lima at sampong piso sa bulsa,
pero mahirap nang maghagilap ng limang sentimos na barya.
Ni Michelle Bundalian
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesía#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
