Square Root Ng Pag-ibig

2.5K 35 2
                                        

Pag-ibig ay pawang matematika
Numero ang sumisimbolo sa bawat okasyong mahalaga,
Bilang ng mga araw na tayo'y magkasama
At sa bawat problema may solusyon tayong dalawa.

Ngunit maihahalintulad sa matematika
Inadd kita sa buhay ko upang maging tayong dalawa,
Ngunit mininus mo lang ako matapos mong sumaya sa iba,
Multiply ang sakit na aking nadama,
Division ang iyong ginawa bagay sa akin ay nagpaluha,

Dumating pa't naging triangulo,
May dumating na isang tao upang manggulo
Naging scalene, ako ang nauna
Ngunit bakit ganun mas lamang siya !

Nariyan pa't naging isosceles
Pantay kayo ng binibigay sa isa't isa
Kaya naman sa akin ay walang natira,
Babe naman bakit mo ba ako pinagpalit sa kanya?
Kulang ba ang binibigay na pagmamahal sayo?
Hindi ko alam kung anong pormula para mairesolba ito
Nalilito ako kung anong sign ang gagamitin ko,
Kung positive ba na kumapit pa,
O negative na bumitaw na.

Gagamit ako ng ruler upang aking maideretso,
Ngunit bakit ganun lalong gumugulo,
Gumugulo't nagiging baku-bako
Na kung lalakaran ay masasaktan
Oo nga pala ako lang ang masasaktan,
Kasi ako lang naman ang natirang lumalaban

Ngunit alam nating sa matematika palaging may solusyon
Mga pormulang napakahirap ngunit nagpapadali ng desisyon,
Pananatili at paglisan yan lang ang iyong pagpipilian
Ngunit paglisan ang iyong pinili, dahilan kung bakit ako nasaktan ng lubusan

Matematika'y sadyang napakaloko
Pinaniwala tayong may INFINITE
Ngunit bakit ganun nanjan padin naman si LIMITS
When X approaches zero
Bagay na aking pinagtatampo
Kasi bakit pa tayo pinagtatagpo
Kung hindi din naman pala tayo hanggang dulo!

Sana magkaroon tayo ng ANGLE OF ELEVATION
Ng sa gayon maielevate at maisalba ko ang ating relasyon,
Ngunit bakit nagkaroon ako ng ANGLE OF DEPRESSION
OO tama ka sa iyong narinig, nagkaroon ako ng depression
Nadepress ako simula nung nasira ang ating relasyon

Ni Marion Russel Miron

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon