Ang iyong bawat pagngiti ay aking pahinga.
Ang iyong bawat pagtawa ay aking ginhawa.
Ako ang iyong anino saan ka man magpunta.
Sa iyong tabi kailanman ay hindi mawawala.
Ang tangi ko lang namang hangad ikaw ay mapangiti,
Kahit madalas mong nababalewala, naisasantabi.
Handa ako maging panyo sa iyong bawat pag-iyak,
Maging sandalan mo, sa bawat problemang kinakaharap.
Kailanman hindi mapapagod dahil ikaw ang lakas ko.
Kahit alam ng lahat na hindi ako ang iyong gusto.
Hindi ko naman hanggad, na ako rin ay mahalin mo,
Pero sana wag mong pigilan, na ikaw ay mahalin ko.
Mahal kita pero sa kwento mo alam ko ang papel ko,
Kailanman hindi mananalo dahil kaibigan lang ako.
Alam ko kung sino talaga ang nagpapasaya sayo,
Nakakalungkot lang isipin na iyon ay hindi ako.
Ang iyong bawat pagngiti ay aking pahinga.
Ang iyong bawat pagtawa ay aking ginhawa.
Kung sa kanya ka sasaya handa akong magparaya.
Susuportahan kita Master, pangakong hindi mawawala.
ni Nathaniel Patrick (Nathaa)
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
