Ako si Magda,
Mistulang preso sa umaga,
Naka-kulong sa rehas ng kahihiyan at panghuhusga,
Naka-gapos sa kadena ng kasiyahan at kaligayahan nila,
Mga lalaking ako ang pinapantsya,
Sa pakat sila'y may salapi at pera,
Na kailangan kong makuha upang pumatuloy sa pag-bangon bawat umaga.
Magdalena sa ibang tawag,
Sa umaga'y anino koy 'di mo ma-aaninag,
Takot ako sa liwanag,
Ayaw kong masinag,
Sa silaw ng araw,
Sapagkat ang umaga ang nagsisilbi kong gabi para mag-pahinga,
At ang gabi ang aking oras para makipag sapalaran sa buhay na sinumpa.
Ako si Magda,
Isang normal na Pilipinang,
Mahinhin sa umaga,
Ngunit tuwing sasapit ang gabi alas-otsoy medya.
Ako ay nahaharap sa gyera,
na ako ang nag-bibida.
Ako si Magda,
Suot-Suot ang lumang bistida,
na tinahi ni Mama.
Sabay sa himig ng isang kanta,
mananayaw ng selda.
madaming tao aki'y napapasaya,
bilang kontratista.
Sa rehas na nakakandado,
May mga nagtahulang aso,
Parating na ang mga tao,
inaabanga'y pag-sayaw ko.
Sa isang maliit na entablado,
na napapaligiran ng mga lasenggo.
Papunta sa silid na pribado,
kasama nanaman si Sarhento.
nagpapalipas ng maiinit na gabi,
sa puder ng ibat-ibang lalake.
lugar na ilaw ay patay-sindi,
matatawag na maduming babae.
Ako si Magda,
MAGDmagang ginagamit,
MAGDAmagang sinusulit,
MAGDAmagang kinakalabit,
MAGDAmagang pag-pikit,
Sa bawat halik at pagka-sabik,
Ng mga kandilang tumitirik.
Ako si Magda,
Trabaho ko'y MAGDamagan nakikipag lampungan,
Sa kahit sinong kalalakihan,
Yan na ang aking naka-gawian,
Ang magpapitas ng aking namumukadkad na bulaklak kahit kaninong lalaki diyan,
Kapalit ng pilak at salapi na aking kailangan,
Ako si Magda,
Kilala mo naba?
Sumasabay lang sa ihip at agos,
Nagpapagamit upang makaraos,
Kahit pauli-ulit na pinaparausan,
Kahit bansagan mang kaligayahan ng bayan.
Ako si Magda,
Kulang paba ang impormasyon na nais mong malaman at makuha?
Pagbibigyan kita,
Kaya makinig ka!
May gatas pa sa labi,
Noong ako'y mag-simulang ibenta aking puri,
Kaya hindi ako nakakatanggap ng magandang pagpupuri
At respeto sa iba't- ibang lalaki.
Binenta ko ang aking pagkatao at pagka-babae dahil kailangan,
Mapunan at magastosan,
Aking Ina'y may malalang karamdaman,
Si Ama na matagal na kaming iniwan,
Ako nalang ang ina-asahan,
Kaya nakipag sapalaranan sa ganitong pangkabuhayan,
Dahil sa sobrang kahirapan.
Kaya bago mo akong husgahan,
At bago mo ako pag-tawanan,
pag-nasaan, laitin, at paki-alaman.
Alamin mo muna ang katotohanan,
kung ano nga ba ang kadahilanan,
Dahil wala naman akong kasalanan,
Lahat ng ito'y bunga lang ng mapait na kapalaran at kadukhaan.
Ako si Magda,
Lubos mo nabang nakilala?
Babaeng kinasusuklaman ng kapwa,
Marumi sa mata ng madla,
Nabulag sa maling sistema,
Nabuhay sa maling gawa.
Kaya Nena, Maria, Rona, ako'y 'wag ninyong tularan,
Pagka-babae ninyo'y inyong ingatan,
Sarili'y inyong pangalagaan,
Puri at dignidad ay protektahan,
Dahil ito ang pinaka sentrong konsepto ng mga kababaihan,
'wag na 'wag ninyong dungisan.
Nakakabagbag damdamin, nakakalungkot mang isipin,
Na sa reyalidad,
Karamihan sa mga babaeng aking katulad,
Ay mga minorde-edad,
Na nagbubuhat ng mabigat na responsibilidad,
Talamak sa iba't-ibang komunidad at siyudad,
Sinangla ang puri at dignidad,
Dahil sa kaunting pera na hinahangad,
Para sa kinabukasang nais pang bumungad.
Ako si Magda,
Sapat naba ang lahat ng inilahad?
Ang lahat ay akin nang nailantad,
Ako si Magda, Magdalena sa ibang tawag,
Malabo ang pag-usad,
At walang kasiguraduhan kung uunlad.
Ni May Jhon Ledesma & Jack Napier "-Mr. Hand-Glider"
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Puisi#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
