Noli Me Tangere

3.1K 14 3
                                        

Wala sa kasuotan ang pagiging edukado
Di mo binili ang damit para sa respeto
Kung wala kang modo, magagawa mo!
Kung sabihin ko bang "wag mo ko hawakan"
Matitigil ang karahasan?
Di ka lang lalaki, sana'y pag isipan
Isa kang Ama, anak at kuya ng tahanan
Na sisira lang ng isang kinabukasan,
Hindi lang alak at droga ang may kasalanan,
Kundi kung paano umandar ang ating kamalayan,
Na ang paligid ay punong puno ng kahalayan,
Para bang walang pakundangan, ito ba ang kalayaan?
Mismong kababaihan ay wala ng kaligtasan!
Sigaw ng pamilya ay isang katarungan!
Di nabibigay, kasi walang bitay!

Para bang pinasok ka lang sa isang paligsahan,
Ang tema ay pagandahan ng handaan,
Kung saan larong salita ang ihahahin
Sa mga naturingang nakapiring,
Kaya ang hatol, sasang-ayon na sa tumanggi,
Sandata'y itinusok, subalit tumabingi,
Di mo nga naman matuturuan ang tinabangan
Kung sino nga ba ang tunay na salarin,
Sapagka't lahat sila'y natalian na sa leeg.

Mas matimbang pa ba ang biro ng pangulo?
Kung pag usapan nalang ito'y minu-minuto,
Boses ka nga ba para sa mga na abuso?
Kung mas marami pa ang gawa kesa sa biro,
Gayunpaman, nagmamalinis ang mga tao,
Kung banggitin ang birong nakasusuklam ng iba
Ay para bang napakalinis ng mga ulo,
Hindi sa kung sino ang nagsalita at gumawa
Nang kawalan ng modo!
Kundi sanayin ang taong matakot
At di na makakuha pa ng tulong,
Itigil ninyo ang matamis na salita
Para sa may mga sala!
Kung gusto ninyo ng pagbabago sa sistema
Gawin ninyo! Hindi puro pangako!

Ni Burglar Dragon

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon