Kapag

1K 12 0
                                    

Kapag pinatawad kita wag mo ng uulitin yung sakit na pinagaling ko na,
Dahil Mahirap ulit uliting ayusin ang pa ulit ulit na pag kasira,
Kapag pinatawad kita wag mo na bahiran ng luha ang aking mga mata,
Dahil mahirap ibalik yung dating kurba ng aking ngiti at dating ligaya.

Kapag hindi mo na nararamdaman na ako'y mahal mo pa,
Pakiusap lang wag mo nalang sambitin ang bawat kataga,
Kapag hindi ka na masaya,
Pakiusap lang Wag mo ng dayain ang bawat tawa ng iyong mga labi dahil ako'y aasa na bumalik ang dati nating saya.

Kapag nawala na yung dating init ng bawat mga yakap,
Pakiusap lang wag ka ng magpanggap,
Wag ka ng mag pakahirap,
Wag mong ipakita saakin yung mga bagay na di mo ginagawa kapag hindi ako nakaharap,

Kapag batid mo na hindi na talaga puwede,
Puwede mo ng lisanin ang aking tabi,
Hanapin sa iba yung masasayang sandali,
Na pilit nating isinasalba
Ngunit nabigo tayo sa huli.

At Kapag na wala na yung dating tayo,
At hindi na natin kaya pang ibalik yung dating masasayang  menuto,
Ibibigay ko na sayo ang kalayaang lumayo Lumaya sa ating mundo,
Maari mo ng hanapin yung totoong mag papasaya sayo.

Dahil batid ko na kapag
Hindi para sayo,
hindi para sayo,
Sana kapag tama na yung
Panahon,
Kapag tama na yung pagkakataon,
Maging tayo ulit
dahil hihintayin kita na maging sakin ulit
sa itinakdang oras ng panginoon.

Ni Vanessa Dinco

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon