Maria clara sa umaga
Magdalena sa gabi
Puspos ng papuri ngunit pagsapit nang dilim winawasak ang kaniyang puri
Nakikita mo siyang nakangiti ngunit hindi mo batid ang nararamdaman niyang pighati
'Yan ang itinatagong niyang talento-ang magkunwariNagbabalat-kayo matakpan lang ang sikreto
Dahil batid niyang 'pag ito'y malaman ng mga tao
Tiyak niyang hindi mawawala ang mga husgado
Mga husgadong tsismosa,hindi naman alam ang buong kwento
Gan'yan,
Gan'yan ang mga tao
Kahit na ang isang taong edukado ay nagiging isa ring husgadoMarahil isa ka rin sa kanila
Yung tipong malaman mo lang na isa siyang puta
Nag-iiba na ang timpla ng 'yong mukha
Pinagtataasan mo na ng kilay dahil sa nasagap mong balita
Bakit hindi mo muna tanungin si Maria clara
Kung bakit pagsapit ng dilim ay nagiging magdalena
'Wag ka kaagad manghusga dahil sa una palang hindi mo alam ang kaniyang istoryaHindi mo kasi naranasang maghirap
Salat sila sa pera at ikaw ay nagpapakasarap
Hindi mo rin naranasang iwan ng ama at sumama sa kaniyang kerida
At ang pinaka-masakit ay iwan ka ng 'yong ina
Sa kadahilanang siya'y pumanaw na at lahat ng responsibilidad ay kailangang gampanan niyaNagtatrabaho sa bahay-aliwan
Sumasayaw sa ilalim ng buwan
Pinangtitirikin ng mata ng mga kalalakihan
Pagkatapos pagpiyestahan uuwing luhaan
Ngunit siya'y magbabalat-kayo na naman
Isusuot muli ang maskara bilang si Maria Clara
Pagsapit ng gabi ito'y kaniyang huhubarin para sa panibagong kabanata at muling malalagalag bilang si Magdalena.Ni Krisyl Cabueñas

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...