Dumating ka na sa dulo ng hangganan
Nakita mo na rin na hindi sumasang ayon sa atin ang kapalaran
Na pati ang mga alon ay sumasayaw sa kinahantungan ng ating pag-iibigan
At tila pati ang pagsigaw ay naghuhudyat ng mga naglahong nararamdaman.
Hinihingal ngunit tanging sambit ay pangalan mong matamis
Hinahanap ang mga yakap mo't ayaw ng malihis
Nagtataka't nagtatanong, unti-unti kang tumatakbo nang mabilis
At ang kasagutan pala'y sa aking piling ay nais mo nang umalis.
Ngunit sa tuwing ika'y lalapit
Kahit na alam kong kahahantungan lamang nito'y pait
Nababalisa at lahat ng ating nagdaan ay bumabalik
Mga labi mong nagbigay ng matatamis na halik
Pares ng matang nagniningning kahit nakapikit
Walang kapantay ang taglay mong rikit
Ngunit ang lahat ng ito'y hinanging palayo
Sadyang nakaukit nalamang sa aking puso.
Pinilit kong balikan
Umuwi ako sa ating sinimulang tahanan
Ninanais muli mga marka ng iyong pagmamahal na nagbigay kasiyahan
Nakatutuwang isipin na kung sino ang nangakong walang iwanan
Ay siya pang naghatid sa akin sa dulo ng hangganan.
Patuloy kong sasambitin ang ngalan mong matamis
Hahanapin ang yakap mo kahit alam kong hindi na babalik
Hindi na magtataka kung bakit dahan-dahan kang lumilihis
Alam ko namang sa aking piling ay nais mo nang umalis.
ni : Cassandra Gean May
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poésie#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
