Kung kelang mahal na kita
Doon ka pa mawawala
Kung kelan sumusugal na ako
Doon ka pa susuko
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
Mahal mo ba talaga ako?
Minahal mo ba talaga ako?
Akala mo ikaw lang nasasaktan.
Akala mo ikaw lang nahihirapan.
Akala mo puso mo lang nabibiyak.
Hindi mo kasi nakikita ang gabi-gabi kong pag-iyak.
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan
Doon mo pa naisipang mang-iwan
Sige, tatanggapin ko ang iyong paglisan
Balang araw ika'y akin ring malilimutan
Wala nang iyakan at dramahan
Sana 'wag mo 'tong pagsisihan
Kahit walang tayo, minahal kita ng totoo
Kaya isa lang masasabi ko.
Kung ako'y iyong iiwan, huwag mo na akong balikan.
Salita't larawan ni: Proline Nishinoya
Ni FallinArts
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesía#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
