Bumalik tayo sa umpisa
kung saan tayo'y mga bata pa
noong mga panahong tinatakasan natin ang pagtulog sa tanghali
na sa t'wing darating si inay
pipikit at mananaginip kunyariDoon tayo sa simula
kung saan sa pagsapit ng alaskwatro'y lalabas na sa kalsada
makikipaghabulaan kahit nakapaa
gagawin ang lahat mapatumba lang ang lata
tatalon sa goma
makikipagaway pa kung sino ang ina
maglalaro ng luksong baka
pero ingat, baka madisgrasya
maglalaro ng piko o patintero
pero bago ang lahat
tayo muna'y mag kotsero kotseroBumalik tayo sa panahon
kung saan marunong tayo makuntento sa baon
na ang pinagkukuhanan ng saya
ay nasa loob lamang ng pisong chichiryaBumalik tayo sa umpisa
noong natatakot pa sa tsinelas ni ina
sa sinturon ni papa
noong panahong iiyak sa kama
dahil hindi nabili yung gusto mong paninda
yung umiilaw ba at nakakaakit sa matasana, bumalik tayo sa una
kung saan sa alaskwatro'y puno ng bata ang kalsada
hindi puro bangkay ng mga nalulong sa droga
kung saan nakikipagtaya-tayaan ang mga bata
hindi nakikipaghabulan sa pulisyaSana ang kasiyaha'y nakapaloob na lang ulit sa pisong chichirya
hindi yung nakapaloob sa nakaw na pera
sana makuntento na ulit sa baon
hindi yung pahirapan pa lalo ang magulang makasabay lang sa panahonsana takot parin tayo sa tsinelas ni ina
sana isang talak niya na lang ay sumusunod na
sumunod sana sa utos, hindi yung pagiging inasana yung kama iniiyakan na lang
hindi ginagawang tambayan ng mga natitigangsana ay nagtutulog-tulugan na lang
hindi yung papatay at pagsasamantalahan
sana pipikit na lang at mananaginip
hindi yung sarili ay isinasabitsana yung umiilaw na lang ang gusto mong paninda
hindi yung mga babaeng nakakaakit sa mataBumalik tayo sa umpisa
kung saan lahat ay masaya
kung saan walang problema
sa likod ng mga sanani Reign Krissie Quihano
![](https://img.wattpad.com/cover/114192367-288-k308617.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesia#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...