“Base sa research ng Forbes, ang susunod na henerasyon pagkatapos ng Millenials ay Builders. “
(isang kwento mula sa hinaharap na itatanghal na spoken word medyo mahaba pero sana basahin nyo :) )
--------------------------------------------
Noong unang panahon. Noong panahon naming mga millenials.
Ang libog ng tao ay napunta sa teknolohiya.
Hindi mabubuhay ang bawat isa ng walang cellphone na kasama.
Noong panahon na ‘yun ay nauso ang nudes at scandal sa FB.
Uso ang post na si A ay para kay B share mo kung ika’y agree.
Uso ang post na may caption na hindi ka tao kung hindi mo sila kilala.
Uso ang post ng mga picture ng kabataang animo'y sasabak sa giyera na hypebeast ang porma.
Noong panahon na yun uso na endearment ang lodi at kyakya.
At ang dahilan kung bakit ka nasasaktan… kakacomputer mo yan .
Noong wala kang papel pag estudyante ka.
Noong nilalamon ang tao ng K-Drama.
Noong hindi Secret ang Secret Files.
Noong ang bulkang mayon daw ay nasa Naga.
Noong hayop daw ang kabilang sa LGBT Community
Noong wala raw tokhang pero may tokhangers .
Noong mas patok sa takilya ang The revengers .
Noong bibigyan daw ng libreng edukasyon ang lumad pero bobombahin ang paaralan nila .
Noong “na ano lang” raw ang kakabaihan.
Noong victim blaming ang response sa rape.
Noong wala raw depresyon.
Noong may build build build pero pagkasira.
Noong may Train Law pero ang Mrt ay laging sira.
Noong may maraming supporters ang jeepney phaseout pero badtrip ang lahat dahil walang masakyan.
Noong sabay sa alon ang karamihan.
At full battle gear ang mga keyboard warriors sa Pinas
Without research but paid
Kung sa social media ang digmaan .
At ang digmaan? Hayaan mong ikwento ko sayo ang digmaan.
Ang digmaan ay matagal ng nagaganap sa bansa bago pa man dumating ang mga millenials.
Noong panahon na ang bansa’y mayaman sa mga kwento
ngunit nanlilimos ng katotohanan ang bawat Pilipino.
Noong panahon na ang bansa’y mayaman sa mga kwento
ngunit nanlilimos ng katotohanan ang bawat Pilipino.
Napatay ang henerasyon ng mga kwentista.
Hindi na naririnig ang nanlamig na parte ng bawat nagbabagang balita.
May desaparacidos sa bawat kwento.
May nawawalang pangalan.
May dinukot na istorya.
May desaparacidos sa bawat kwento.
May nawawalang pangalan.
May dinukot na istorya.
Tinatakpan ng pag-ibig sa kasintahan at romansahan ang palabas dahil ito ang patok sa takilya.
Lumagap din ang tinatawag nilang epidemya.
Isang sakit na naacquire ng may hinanakit sa buhay.
Isang virus na nagmumula sa pagkabasag ng puso.
Ang sakit na ito ay tinawag na Hugot Syndrome.
Hugot syndrome: kapag meron ka nito ang konsepto ng pagkatha
Ay pagiging broken, iniwan at niloko ng kasintahan.
Yung nagmahal, nasaktan tapos walang ng kasunod pa.
Sobrang bilis kumalat ng virus ngunit mas nararapat itong ituring na biyaya kaysa sumpa
Ngunit mas nararapat itong ituring na biyaya kaysa sumpa.
Dahil doon muling naibalik ang henerasyon ng kwentista, pag-ibig nga lang ang tema.
Lahat naman ng ugat ng bawat akda at pag-ibig, ang tanong lang, kanino tayo umiibig?
Hamon ito sa ilang grupo na nagkikwento pagtungkol sa bigat na nararanasan ng bawat Pilipino.
Paano sila mumulatin? Paano ipapakita na marami pang dapat ikwento?
Ngunit bago pa man sila mamulat at kumalat
Isang kamay na bakal ang sa lalamunan nila’y bumara.
Kumilos ang mga naghaharing uri upang pigilan na maikwento ang kasakiman nila.
Pinabagsak ang rappler. Pinatay ang mamamahayag.
May kalayaang magsalita ang tao , sa wakas, ay natutong makinig.
Dahil tunay ngang lumilipad ang salita’t may pakpak ang balita.
Naging malaki ang papel ng Spoken Word sa Pilipinas lalo na’t
Isa-isang lumubog at lumakad kasabay ng magsasaka, manggagawa, katutubo at maralita
Gumitna ang kwentista baon ang hinugot na lakas ng loob,
Kwento at paninindigan sa mga kasama
Hinarap nila ang baril at bala
Mga tanke at kapwa Pilipinong umaatake sa kanila.
Tila ba naulit ang kasaysayan, walang kulay itong binabandera
Iisang lahi,
Iisang layunin,
PARA SA KALAYAAN.
Nabunutan ng tinik ang lahat, nang ang mga baril ay ibinaba.
Ang karahasan ay natunaw ng nagaalab at nagkakaisang na puso dahil naunawaan na.
Na ang bawat masong bitbit na pinalakas ng tula ang bumasag na itinayong pader ng mga imperyaslista.
Ang karit na pinatalim ng bawat salita ang tumabas sa naitaling burukta kapitalista
Ang pala at piko ang na dala ang bawat paghugot at pagbaon ng mga pyesa ay nagsasama upang hukayin ang naitanim na pyudal na sistema.
Hindi nakamit ang sosyalismo sa politika ngunit sa pagkilos ng sama-sama.
Ngayon ay henerasyon nyo na,
Henerasyon ng mga builders.
Henerasyon ng mamamayan at manggawa.
Ngayon ang bansa ay payapa.
Ang mga magsasaka at katutubo ay may sarili ng lupa,
May sarili na ring tayong industriya
Ang mga manggagawa ay may sapat na trabaho at sumasahod ng tama.
May pantay na pagtingin sa bawat kasarian.
Nananaig ang pagpapatupad sa karapatan.
May libreng edukasyon ang kabataan.
May pagmamahal sa kalikasan
At nakamit ang tunay na kalayaan.
---------------------------
Matanda na kami ng lola mo
Malat ang boses
Kulu-kulubot ang balat
Pero hindi kami magsasawang magkwento apo
Nakakalimutan ang tao at ang tao ay nakakalimot
Ngunit marami pa tayong dapat ipaalala
Baunin nyo sana ay ipamahagi sa iba.Photo ctto
Ni Ivan Jetro Mella
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poésie#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...