Siya Yung Klase Ng Babae

1.1K 19 0
                                        

Siya yung klase ng babae na typikal lang ang ganda
Yung sa henerasyon natin hindi mo na makikita
Siya ang nag-iisang Maria Clara sa mundong puno ng Maria Ozawa
Mas pipiliin niya pa ngang nakakulong lang sa bahay kaysa sumama sa barkada

Siya yung klase ng babae na hindi mahilig sa gadget
Ang kinahiligan niya gawin ay paglalaba at pagliligpit
Pinagtutuunan niya muna ng pansin ang mga gawaing bahay at utos ng kanyang nanay at tatay
Kaysa makipagligawan sa mga lalaking walang pangarap sa buhay

Siya yung klase ng babaeng hindi pinapangarap magkaroon ng mamahaling cellphone
Hindi pinapangarap magkaroon ng video sa tiktok at youtube compilation
Siya yung klase ng babaeng libro lagi ang hawak
Ginagawa ang mga takdang-aralin at inuuna ang pangarap

Siya yung klase ng babaeng simple lang manamit
Ayaw sa mga nauusong maiiksing shorts na halos makita na ang singit
Mas gugustuhin niya pang magsuot ng pantalon at pormal na damit
Na mas nagpapatingkad ng kanyang simpleng kutis

Siya yung klase ng babaeng makikita mo sa simbahan tuwing linggo
Siya yung tipo na mas gustong kumanta para sa panginoon kaysa makipag-inuman sa kanto
Siya yung tipong laging dala ang bibliyang libro
Iimpluwensyahan ka pang pumunta sa simbahan kapag nakausap mo

Siya yung klase ng babaeng nanaisin mo talaga ngayong panahon
Hindi man perpekto ang panlabas na anyo,pero sa loob may nakatagong ginintuang-puso
Siya yung klase ng babaeng dadamayan ka kapag alam niyang hindi ka masaya
At siya yung klase ng babaeng pinapangarap ko sa tuwina
Kaya sana pagkabasa mo nitong aking tula
Huwag kang mataranta at mabibigla
Dahil ikaw yung klase ng babaeng
Ayaw kong mawala hanggang sa aking pagtanda
At ikaw lang ang tanging klase ng babaeng ipapanalangin ko kay Bathala

Ni Patrick John Lumutan

Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon