Oras at panahon na ng tagsibol.
Kasabay ng pamumukadkad ng bulaklak sa burol-
Nakilala ka at nakasama sa paglalaro-
Sa tuktok ng burol, tayo'y tumatakbo.
Laro dito, habol doon-
Kapwa masaya at walang inaalalang kahapon.
Sa kabila ng mura nating pag-iisip,
Sumibol ang pag-ibig at panunukso ang naging panatakip.
Tuksuhan na nauuwi sa tampuhan-
Hindi rin nagtatagal at muling magtatawanan.
Lumipas ang oras, panahon at ang araw-
Nagbago ang katawan, kasabay ng pananaw.
Laro ay unti-unti nang binibitawan,
Burol ay hindi na halos mapuntahan.
Kapwa nagdalaga at nagbinata,
Damdamin ay hindi naamin sa kababata.
Nagkahiwalay-
At sa pagtakbo, hindi na magkahawak ang mga kamay.
Tayo ay nagkalayo-
Sa burol ay kailan muli magtatagpo?Nang tag-ulan ay dumating,
Ang sinilangang lugar ay muli kong narating.
Sinariwa ang kahapong lumipas,
Damdamin sa kababata ay hindi kumupas.
Ang burol ay muli kong binalikan,
Ako'y nagulat pagkat nakita kang nakaupo sa damuhan.
Ika'y nilapita't agad tinabihan-
Kapaligira'y nilamon ng kwentuhan ng nakaraan.
Hindi ko namalayan ang pagtitig mo sa'kin,
Naramdaman ko nalang na ang kamay ko'y iyo nang inangkin.
Mukha mo'y biglang sumeryoso-
Pinagtapat damdamin na nararamdaman sa'yong puso.
Labis akong natuwa,
Mata'y halos mapuno na ng luha.
"Mahal din kita" ang aking nabanggit-
Noon pa, noong tayo'y kapwa pa mga paslit.
Pisngi ko'y siniil ng halik,
Pagmamahalan sa burol ay muli nating naibalik.Sa paglipas ng taglagas,
Puno sa palibot ng burol ay nalagas.
Unti-unting naubos-
Kagaya ng pagmamahal mo na akala ko ay lubos.
Araw, linggo at buwan ay nagbago-
Kagaya mo na unti-unti nang naglalaho.
Ikaw ay nag-iba,
Tila nagkaroon ng biglaang mahika.
Lugar na mataas ay hindi na mapuntahan,
Kagaya ng klima, iba't iba ang iyong dinadahilan.
Sa pag-akyat, ika'y nagsawa-
Napagod, natuyot kagaya ng lawa.
Burol ay iyong tinalikuran-
Kasama ako sa 'yong kinalimutan.
Kababatang minsang minahal ay tinangay palayo-
Kagaya ng tuyot na dahon sa sanga ng nakatindig na puno.
Kahit pa pilit na hinawakan,
Dahon ay kusang bumitaw kaya ikaw ay lumisan-
Nagpatangay, nagpakalayo-layo,
Hindi na natupad ang noo'y tinurang pangako.Kagaya ng tagtuyot,
Nararamdaman mo saki'y tuluyan ng natuyot.
Wala nang makita ni-katiting na pananariwa-
Sa pagmamahal sa kagaya ko'y tuluyan kang nagsawa.
Nararamdaman ay nawala,
Namatay, nabura-
Hindi na maibabalik pa-
Pagkat walang pandikit sa dahon na kumawala sa sanga.
Sa paglipas ng panibagong tagsibol,
Sugat sa puso ko'y unti-unting bumukol.
Nabalot ng lungkot,
Nilisan ako na mukha ay lukot-lukot.
Sa pagdating muli ng tag-ulan,
Patuloy na sasariwain ang nagdaan.
Tuktok ng burol ay patuloy na aakyatin,
Doon aalalahanin ang pagmamahalan na ako ay nabitin.
Kasabay ng tagtuyot,
Aabangan ko ang pagkawala ng lungkot-
Ang lungkot na naidulot-
Ng tao na minsan, sa pagmamahal, ako ay binalot.Ni Gabriella
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesía#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...