Kalikasan isang salita pero ito ang
ating kailangan!
Kailangan upang ingatan!
Hindi masira ang Natatanging kagandahan!
Dapat ba natin itong alagaan at pahalagahan!
Para sa susunod na henerasyon.
~
Bakit ba natin inaabuso
Si inang kalikasan
Pumuputol na puno
Hindi man lang kayang palitan!
~
Ang ganti ng kalikasan
Ay hindi mo maasahan!
Malalakas ang bagyo at pag guho ng lupa ang ating nararanasan!
Pagtapon ng basura sa dagat at pagbomba ng dinamita?
Na dulot ay malaking pinsala!
Pinsala sa kapaligiran!
Hindi na natin ba tong kayang iwasan?
Habang maaga pa pwede pa natin tong pigilan!
Ang maling ginagawa natin sa kalikasan!
~
Ating kapaligiran kailangan natin ingatan
Gamitin sa tamang paraan!
Na Hindi masisira ang anking kagandahan
Pinahiram ng diyos ang kalikasan para alagaan at mahalin
Hindi sirain at ubusin!
Dekada ang lilipas alaala ng kalikasan ay makikita parin!
Simpleng pagtanim ng puno at ito ay lalaki at bubunga!
Sunod na henerasyon ang magmamana!
Na hanggang pag tanda ay nandito parin hindi mawawala dahil sa ating pagmahal at pagalaga.
Sa ating pinaka mamahal na inang "Kalikasan"
Ni John Iris Mujar
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poésie#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
