Umasa ako.
Umasa ako na may pagasa ako sayo, hindi man deretsahan pero halata sa mga galaw mo, sa mga galaw mo na hindi inaasahang mahuhulog ako.
Na mahuhulog ako pero hindi mo sinalo, masakit lalo na kung diretso dito; dito sa puso ko. Gulong gulo na ko kung ano ba ang susundin ko, itong puso o isip ko.....
pero sa hindi sinasadyang pagakakataon nasunod na naman ang pusong ito.Puso na kahit ilang beses mo nang dinurog ay unti-unti ko pa 'ring binubuo. Na kahit gaano kalalim hindi ko iniinda, dahil nga sa mahal kita. Mahal kita kaya okay lang na paulit-ulit, na paulit ulit mong paglaruan ang puso ko na nakuha mo, na nasungkit mo.
Alam ko, hindi ako yung tipo ng babaeng gusto mo, na maganda pag simple pero pag inayusan mas nagiging mukhang presentable pero alam ko din; na kahit gaano ka kaganda o kapangit, kapag ika'y nahulog na? wala ka nang magagawa pa.
Isang araw, naglalakad ako. At nakita ng mga magaganda mong mata ang AKO. Pero, para lang akong hangin na dumaan lang sa dinadaanan mo, tayo; tayo yung magkakilalang ako lang ang nakakaalam. Ako lang, dahil alam ko din na wala ka namang pakielam. WALA NGA PALANG TAYO.
Nabalitaan kong may iba ka na. Oo, nasaktan ako; pero sino nga ba ako para mangdikta? Ako lang naman yung isang taong NAHULOG SAYO PERO DI MO SINALO.

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...