Pareho na tayo

1K 9 0
                                        

Para kang bagyo kung humagupit.
Kulang nalang tumigil ang puso ko sa pagpintig.
Tulad ka ng kidlat kung lumapit.
Magpaparamdam lang at mawawala na mabilis pa sa saglit.
Sana alam mo, alam mo kung gaano iyan kasakit.
Kung paanong ang ikaw ay nanakit,
Nanakit ng taong nangako sayong kailan ma'y 'dika ipagpapalit.
Ang saklap. Akala ko matamis ang pag-ibig hanggang sa iparamdam mo saakin na ito pala'y talagang mapait.

Ang hapdi nang ako'y iyong iwan,
Sobrang sakit nang ako'y pabayaan,
Pero mas masakit ang magmahal na hindi puso ang umiiral kundi katangahan.
Para bang pinupunit ako hanggang sa kaloob-looban.
Patuloy na winawasak ang puso kong sugatan.
Sugat na kailanma'y 'di na maghihilom kahit dalhin pa sa pagamutan.
Ang saklap. Kase akala ko noong ako'y umiiyak, pareho lang tayo. Parehong nasasaktan.

Nagkamali ako, dahil ang akala ko na pareho tayo ay hindi totoo.
Kailanma'y 'di kita pinagpalit kahit kanino.
Malaki ang pagkakaiba sa tulad mong mahal kahit sino.
Kailan ma'y di kita kinumpara sa ibang tao.
'Di kagaya mo, lahat ng babae magkakatulad lang para sayo.
Ang tanga ko para gawin kang naiiba sa mundong ito,
Samantalang ako ay hindi naman natatangi diyan sa puso mo.
Ang saklap. Kase pinilit kong seryosohin ang pag-iibigang sa iyo'y biro lang pala.

Kailan man hindi tayo nagkatugma.
Pinagtagpo lang tayo, hindi itinadhana.
Nakilala lang kita, pero hindi ibig sabihin non akin kana.
Oo tama na, bibitawan na kita.
Alam ko, ako na dapat ay magtanda.
At sa puntong 'to, mahal, pareho na tayo. Parehong malaya.

Ni Patrisia Gegante

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon