Gumising Ka! PILIPINO!

2.1K 14 0
                                    

Gumising ka! gumising ka!
Pilipino! Pilipino!
Masdan mo ang iyong inang bayan
mga basura sa kapiligiran
mga poste't pader na ginawa mong ihian
ganyan ba ang itinuro sayo sa paaralan?

Gumising ka! Pilipino!
Bawal magtapon dito--
ang basura ay gabulto
Bawal umihi dito--
ang kapanghian ay sumasa-ilong ko.
Bawal tumawid, nakamamatay--
wala namang nakatingin.
Bawal tumawid, may namatay na dito--
hindi naman siguro.
Walang sakayan--
trip ko dito sumakay
Walang babaan--
Ibaba mo ako dyan.

Gumising ka Pilipino!
nasaan na ang mga aral
Good Manners and Right Conduct ba'y
wala sa curriculum ng iyong paaralan?
tapon dito, tapon duon dinudungisan ang daan, kapag binaha sa tag-ulan
isisi natin kay Bar Adong Kanal.

Gumising ka Pilipino!
Sumunod sa batas trapiko
wag idaan sa init ng ulo at paangasan ng todo
pag-usapan ang di pagkakaintindihan
hindi ba't kay gaan sa pakiramdam?

Gumising ka! Pilipino!
Alagaan ang kalikasan na parang bang syota mo ito
huwag abusuhin, kung ayaw mong ito'y maghiganti sayo.

Gumising ka Pilipino!
naaalala mo pa ba itong ipinanata mo?
hayaan mong ipaalala kong muli sayo.

Panatang makabayan--

Iniibig ko ang Pilipinas--
mukhang hindi na nga ata.
aking lupang sinilangan--
ngunit iyong tinalikuran.
Tahanan ng aking lahi--
na madalas mong ikamuhi.
Kinukupkop ako at tinutulungang--
kinupkop ka't binigyan ng katauhan, ngunit bakit ibang bansa ang sa iyo'y nakinabang?
Maging malakas, masipag at marangal--
ngunit bakit hindi magawang sumunod sa isang simpleng patakaran.

Dahil mahal ko ang Pilipinas--
mahal mo pa nga ba?
Diringgin ko ang payo ng aking magulang--
dinggin mo din sana ang pakiusap ko.
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan--
kung kaya't nung nagtapos ay wala ng tuntuning sinundan?
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan--
ni hindi mo nga hinintuan ang bayang magiliw ng marinig ito sa daan.
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
ng buong katapatan--
ngunit ngayon ay naglalakbay para sa sarili lamang.

--At ni hindi mo nagawang mapansin na walang tugtuging bayang magiliw! Lupang hinirang ang pamagat nitong pambansang awitin, ngunit mas kabisado mo pa ang 'hayaan mo sila' kaysa sa pambansang awit na alay mo sakin.

Iaalay ko ang aking buhay--
Iyong inalay sa maling gawain.
pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas--

Gumising ka anak! Pilipino! Pilipino!
ito ang iyong inang bayan--
ang pag-asa ko ay nasa iyo.
simulan ang pagbabago sa sarili mo
mangarap para sa ikauunlad ng ng bansang ito.

Gumising ka! Gumising ka!
PILIPINO! PILIPINO!

-P I L I P I N A S mong mahal.

[photo ccto]
Ni Alvin Altuna

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon