Alam kong panget kung sa'kin manggaling
Pero hindi 'to usapang lasingBro,
Pang ilan na mo na ba yan?
Balita ko bago nanaman yan ha?
Na'san na si maria, grace, hannah saka si joyce sa yung sexy na medyo blonde hair?Bro,
Nakaka gwapo ba?
O nakakagago ka?
Ano bang pakiramdam?
Ano bang pakiramdam na kapag nakuha mo na sya
Iiwan mo lang sya?Ano bang klaseng laro 'to?
Bakit sa dinarami rami ng laro
Bakit kami yung pinaglalaruan n'yoBro,
Hindi kami dota na iififirst blood nyo lang tapos GG na!
Good game na,
Well played paHindi rin kami basketball na kapag naka tres
Tatakbo kana ng mabilisHindi rin kami everwing
Na mamimiss mo lang kapag wala kang kapilingHindi kami palay nababayuhin mo lang
Di ako LOL para ololin mo lang
Mali ang mag mura pero mas mali kapag pinili kita
Sinabi mo sakin na lovestory ang bubuuin
Pero ang naging ending naging toy story nalang dinKung gusto lang palang makipaglaro
Edi Tara sa court!
Ano, Sagot?
'Di mo na pala kailangang sagutin
Dahil manliligaw ka palang 'di na kita sasagutin.
Kesa yung tipo mo yung mukang di ko dapat tipuhin.Sa totoo lang,
Hindi naman kase kami isang uri ng putahe
Na kapag natikman mo na ay hahanap na ng iba.
Na kapag nagsawa ka sa adobo hahanap ka ng menudo.Hindi rin kami isang bukas na tindahan
na kapag wala ka ng kailangan bigla ka nalang mang iiwanHindi rin kami Milo na papapakin mo sa tuwing maiinip ka
Hindi rin kami isang uri ng kahoy na ipanggagatong mo lang sa tuwing manlalamig ang gabi mo
Kase ang gusto namin MAHALIN AT RESPETUHIN
Gusto namin ng tsokolate ng zagu
Hindi dalin dun sa red na sogo.Gusto namin ng bulalak na rosas
Hindi lang basta mabulalak na salitaNa kung dati pinagsisibak ng kahoy ang nililigawan
Ngayon ang nililigawan na ang sinisibakHindi porket may kotse madali mo ng madadale
Tamaan na kung tamaan,
pero sayo di ako tatamaanDi ka pa ba nagsasawang makakita ng babaeng umiiyak?
Dahil iniwan mo nanamang wasak
Ilan pa ba ang gusto mong ibiyak?Gaano ba kalaki yang pag aari mo?
Kulang ba sa tatlo?
Kasya ba sa walo?
Tarantado!Yan ang hirap sainyo,
hindi nga gwapo nakukuha pang manlokoKung pipili ka ng maloloko
"Wag ako"
Wag din sya, wag din sya, wag din sya
Wag kame!Niloloko mo na nga yung sarili mo idadamay mo pa kami
Alam mo kung ano ang tawag sayo?
Hindi gwapo,
Hindi macho
Gago!Bro,
Magpakalalaki ka naman
Naturingan ka pa namang si adan
Wala ka namang paninindiganAlam mo kung ano ang sukatan ng pagiging lalake?
Hindi yan sa dami ng nadale
Alam mo kung ano ang sukatan ng pagiging gwapo?
Hindi yan sa laki braso
Alam mo kung ano ang lalaking gwapo?
Yan yung lalaking marunong rumespetoUsapang lalaki pero parang ayaw na kita isali,
dahil simula nung nangloko ka ng babae hindi ka na tunay na lalakePara sa lalaking ganto,
Isa lang ang masasabi koSALUDO ANG GITNANG DALIRI KO.
Ni Erica Del Rosario
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...