If I toss a two coin, what is the probability of getting two heads?
TT HH TH HT (HH = 1/4 or 25%)
If he loves you, then he loves her too, what is the probability of him choosing you?
Aanhin ko pa 'yang probability?
Kung ang resulta lang din naman ay unlikely?
Mahal ko nga siya totally,
Pero pag-ibig n'ya naman sa kanya ay certainly.
__ __
PA || ST (Parallelogram)Draw the diagram.
Parallel Lines parang tayo lang 'yan,
Hindi tayong pwedeng ipagsama ng tinatawag na pag-iibigan,
Masakit ngunit kailangang itatak sa'king isipan,
Na ang ating kalandian este pag-iibigan ay panandalian lamang.Pwede ring tangent lines,
We intersect but we will never combine,
O English na 'yan,
Pero kahit anong linggwahe pa ang aking gamitin, hindi na ako ang 'yong pipiliin.Pwede ring asymptota,
Palapit ng palapit nga tayo sa isa't isa,
Pero palagi tayong pinaglalayo ni Tadhana,
Dahil hindi ako ang itinadhana sa'yo kundi siya.2x² = 5x + 4
Find the value of x.
Kailangan ko pa bang hanapin ang value mo?
Katanungang walang overdue,
Nakakapagod na, nakakasakit na,
Masaya ka na nga sa iba gagambalain pa ba kita?-2 (-2) = 4
2 (-2) = -4
Para tayong integers,
And we will never be lovers,
Positive ka negative ako,
Kung imumultiply mo tayong dalawa, ang sagot, negatibo.Kaya wala ng patutunguhan pa diba?
Kaya tigil na ako sa pagiging tanga,
Napagdiskitahan ko pa ang math,
Pero wala pa ring poreber mag-bebreak pa rin kayong dalawa.Kahit magbilang pa tayo hanggang isang libo,
Malabo pa ring magkaroon ng tayo,
Para saan pa diba kung meron ng kayo?
Kaya tigil na ako dahil alam kong ako'y talo.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesía#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...