Piring piringan kabilugan ng buwan.
Ang sarap sanang maglakad sa dilim diliman.
Pero pag naglalakad dapat dahan dahan
Baka maaktuhan ka't bumulagta sa daan.
Hindi mo ba alam na ang isa sa pinakadahilan.
Kung bakit sinasabi nilang ikaw daw ay nanlaban.
Yon ay dahil sa nagawa mong kamalian sa nakaraan.
Pero di ka pinagbigyan, at hinayaan na lang mawalan ng karapatan.Dati, kahit walang ilaw sa kalsada, ligtas maglakad sa gabi.
Ngayon, may ilaw na nga sa tabi hindi pa maisantabi.
Ang mga karahasan ng tao, na nahuhuli sa akto ng CCTV.
Inutusan ka lang ng nanay mo sa tindahan upang bumili.
Di ka na bumalik, yon pala nakahandusay na sa gilid.
Naghihintay yong mahal mo sa buhay, di nila alam wala ka na palang buhay.
Si bunso, si ate, si kuya, si nanay at si tatay.
Iisa lang ang kanilang saysay, hustisya para sa mga taong pinatay.Ngunit may hustisya pa ba, kung lahat nabibili ng pera?
Kung mahirap ka, wala kang karapatang sumita.
Sa kanilang ginagawa, na pakiramdam mo hindi tama.
Pero wala kang magawa, dahil ang hustisya ay para lang sa mararangya.
Hustisyang di makuha, ng mga kahig ng kahig, pero wala namang matuka.
Di ka pa ba nagsasawa, sa "history repeat itself" ng tadhana?
Yong kahirapan ng buhay na meron ka, sa iyong mga anak rin lang ipapasa.
Kapag mayaman ka, makapangyarihan ka.
At kapag mahirap ka, makapanglalait sila.Yong "TAGU-TAGUAN", ngayon naging "PIRING-PIRINGAN" na.
Dahil kung dati tinatago lang ang pagkitil ng iba,
Ngayon pipiringan ka't papatakbuhin pa.
Pero di natin maipagkakailang yong iba naman talaga'y nanlaban.
Yong iba, pinaglaban ang karapatan pero di pinagbigyan.
May iba namang walang kalaban laban, pinatay ng walang dahilan.
May iba namang may ipinaglalaban, pero di pinakinggan.Sana dumating yong panahon na ang "PIRING-PIRINGAN" maging "HARANG DAGA".
Harangin mga daga na siyang sa lipunan sumisira.
Harangin mga hangarin na ngumangatngat sa bansa.
Harangin ang hangin na nagdadala sa bagay na masama.
Harangin ang poot sa puso upang kapayapaan magsimula.
Hangarin kong dumating sa puntong, ang "harang daga" maging "luksong tinik" na.
Luluksuhin nating sama-sama ang tinik ng hustisya at hindi na muling magpi PIRING-PIRINGAN pa.Ni Jay Adam Mallapre

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...