Pulang Saya

1K 10 0
                                        

Bata pa lang ako ay pinangarap ko na
Makita ng mga taong nakaayos at maganda
Subalit sa tuwing sinasabi ko ito sa aking ina
Tugon niya ay maktol at pagmumura
Minsan noong ako'y anim na taon
Tanda ko pa bago sumapit ang bagong taon
Sa aking ama ay hiniling ko ang magandang saya
Puno ng kolorete at kulay pula
Susuotin ko sana sa aking kaarawan
Kagaya ng nakita ko sa aking kaibigan
May magarbong ayos at malaking handaan
Kay raming lobo at malalakas na kantahan
Pero ayos na sa akin ang maisuot ang paborito
Ang makatanggap ng pulang saya bilang regalo
Kahit ito lang ,kahit walang lobo
Lubos na ang galak at tuwa sa puso

Ngunit isang balita ang aking natanggap
Isang gabi bago ang aking kaarawan
Pinakamamahal ko'y naroroon daw sa kaparangan
Ama ko'y nakahandusay at walang ng buhay
Sobrang lungkot ,napuno ng poot
Sandamakmak na katanungan ang sa aki'y bumalot
Ang inakala kong paboritong regalo
Ay ang puting kahon pala, laman ang ama ko
Ang panahon ay mabilis na nagdaan
Mula sa paghiling ko sa aking ama
Noong gabing siya ay tuluyang nawala
Huling araw na siya ay aking nakita
Hanggang matanggap ko na hindi na siya makakasama
Ang gabing dinalaw ko siya sa kanyang himlayan
Ang oras na ako'y natakot,  kinabahan
Ang gunita ng mga kalalakihan
Ang imahe ng pagsaklolo sa lugar ng kadiliman
Ang pagdaing ko nang bumagsak sa batuhan
Ang panghihina ko habang may naghahalakhakan
At maluha-luhang pagtingin sa aking orasan
Ngayon na ang aking ika-diseotsong kaarawan
May lobo nga ngunit hindi makukulay
Maraming tao pero lahat ay matamlay
Maingay nga subalit hindi nagkakantahan
At ang kaibigan ,pamilya ko ay nag iiyakan

Ang ganda ko pa naman noon may malarosas na pisngi
May maamong mukha at magandang pagngiti
Ngunit ang buhok ay mukang di mahawi
At bakit medyo  maitim na ang aking mga labi?
Bahagya na akong pumikit at nadama ang kalungkutan
Doon ko napagtantong bigo ako sa aking kahilingan
Dahil sa aking ika-diseotsong kaarawan
Ang pulang sayang aking kasiyahan
Ay muli na  namang napalitan ng isang puti at mahabang kasuotan

Ni Sharmaine C. Aguila

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon