Nagsusulat Ako

2.7K 28 2
                                        

Nagsusulat ako
Hindi dahil iniwan mo 'ko
Nagsusulat ako
Hindi dahil lumuluha 'ko
Nagsusulat ako
Hindi dahil nasaktan mo 'ko
Nagsusulat ako
Hindi dahil sinugatan mo ang puso 'ko
Magsusulat ako, paki-alam mo?

Por que nasaktan ako
Por que naiwan ako
Por que umiiyak ako
Por que ikaw ang dahilan sa lahat ng 'yon
Ikaw na agad ang laman sa lahat ng mga sinusulat ko?

Leche, sabihin ko mang hindi
Magsinungaling man ako sandali
Mga salitang lumalabas sa labi
'Di ko kayang matahi
Luhang pumapatak, sumasabay sa mga letrang
lumalabas sa utak, nagmamadali
Utos kasi ng puso kong ikaw pa rin talaga ang minimithi.

Kaya, OO NA!
Nagsusulat ako dahil nasasaktan ako
Nagsusulat ako dahil may hapdi pa rin sa puso ko
Nagsusulat ako dahil hindi na kaya ng mga luha ko aluin ang sarili ko
Nagsusulat ako dahil ang bigat-bigat na ng dibdib ko
Hindi naman kasi ako flat, gaya ng akala mo
Nagsusulat ako dahil gusto ko
Dahil gusto ko ulit mabuo mula sa pagkasira gawa mo
Pero hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsusulat
Inuulit ko
Nagsusulat ako dahil ito ang gusto ko
AT HINDI DAHIL SA IYO.

Pero, may partisipasyon ka rin pala sa pagsusulat ko
Ay naku, nakalimutan ko!
Ikaw kasi 'yong nagtulak ng mga luha ko para umiyak
Ikaw rin 'yong nagbugbog ng puso ko kaya bumukas
'Yong naglagay ng yelo kaya tumigas
'Yong nagtapon ng acido kaya nagkasugat-sugat
Tapos iniwan na lang sa tabi-tabi at naglayas
Ni hindi man lang nakuhang hipan at pahiran ang humahapding sugat?
Buti na lang talaga nakakapagsulat
Nagustuhan mo ba ang tulang ikaw ang pamagat?
Pagsisisihan mong binasa mo 'yon nang tapat
Habang buhay kang makukulong do'n alam ko sapagkat
Kahit anong gawin mo kasi, walang daan palabas
Sa mga letrang inukit ko gamit lang sakit na iyong hinampas
Ikaw siguro mawala na sa mundong 'to
Pero ang tulang ganti ko sa pananakit mo
Mananatiling buhay at kahit kailan 'di maglalaho.

Nagsusulat ako dahil ito ako
Dahil ito ang dikta ng puso 'ko
Dahil ito ang sigaw ng isipan 'ko
Dahil ito ang gusto ng mga kamay 'ko.

Nagsusulat ako,
kasi masaya akong nakikitang sumasayaw ang plumang hawak ko
Kasabay ng ritmong ako lang ang nakakarinig at sumasamyo
Patungo kung saan dalhin ng isip ko.

Kaya, sulat lang nang sulat
Bigo ka man o hindi
Masarap magsulat kung ang gamit mo sa pakikinig at pag-iisip ay puso at gamit mo sa pagsusulat ay isip.

Ni Pusang Makata

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon