Hugot Para Kay Thesis

3K 31 3
                                    

Thesis, anong kasalanan namin
sa' yo?
Bakit pinapahirapan mo kami ng ganito?

Akala ko pinakamahirap na ang magmahal ng taong may mahal ng iba,
Pero mas mahirap palang gumawa ng thesis 'di ba?
Akala ko sa kaso at laro lang ang kailangang i-defense,
Bago mo pala simulan ang thesis, kailangan mo munang mag 'title defense'?
Akala ko sa pag-ibig lang madalas ang rejection,
Pati pala sa title thesis wala kang magagawang aksyon,
Kung sakaling makatanggap ka ng rejection.
Sa paggawa palang ng introduction,
Kailangan maayos na agad para hindi madanas ang revision.
'Yung parang pagpapakilala mo noon sa taong gusto mo,
Kailangan maayos kung gusto mong may pumansin sayo.

Pagnatapos gawin ang chapters one to three,
Hindi ka pa rin magiging happy.
Dahil may colloquium ka pang pagdadaanan,
Kung saan kailangan ng masusing talakayan.
'Yung parang kapag nahuli kang may kasamang iba nang iyong kasintahan,
Kailangan mo nang mahaba-habang paliwanagan.

At kapag natapos mo ang chapter four hanggang five,
Congratulations you survive!
'Yung parang dumaan ka sa isang breakup,
Tapos nalagpasan mo ang lahat ng paghihirap.

Kaso kaginhawa'y hindi mo pa malalasap,
Sapagkat may final oral defense pang magaganap.
Pero kapag nakuha mo na ang approval ng panelist,
Your thesis is ready to publish.

📷 Clarence Jed Aderes
Ni Erica Maldita

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon