Ihanda na natin ang mga baso,
Maningil na ng tig-sisingkwenta'y singko.
Bumili na ng tatlong kwatro,
Samahan na din ng chichiriang tig-pipiso.Ilatag na sa lamesita,
Maupo na ang buong barkada.
Sa pag-ikot ng baso,
Sisimulan na ang pagbabahagi ng mga kwento.Pansamantala tayong lumimot
Sa lahat ng sakit at kirot.
Iiyak na ang lahat ng luha.
Ibahagi na ang lahat ng problema.Sabay sabay nating gunitain,
Ang lahat ng panlolokong ginawa nila sa atin.
Sabay sabay tayong magsaya,
Sa likod ng sakit na idinulot nila.Nakatingin na naman satin sila Aling Nenita,
Mga wala raw tayong mararating sabi nila.
Inuna pa ang baso, bago pa ang kwaderno,
Hindi na yan makakaabot ng kolehiyo, dagdag pa nito.Yan ang hirap sa ating mga Pilipino,
Nauuna pa kayo sa aming mga plano.
Maaaring kami nga'y mga lasinggero,
Pero hindi kami katulad ng iba na nanggagago.Itinanim sa aming isipan na hayaan silang manghusga,
At hayaang ang aming tagumpay ang sumampal sa kanila.
Di na samin importante ang sasabihin ng madla,
Ang mahalaga kami'y masaya't sama-sama.Kung ikaw man ay niloko,
Kung ikaw man ay ginago,
Kung ikaw man ay hinuhusgahan, ng mga mapanghusgang mata ng mga tao,
Kung ikaw man ay napagod,
Kung ika'y di ipinaglaban,
O kung ika'y iniwan ng iyong minamahal,
Huwag kang mag-alala, nandito lang kami para sabihing, "tara, walwal?"Ni Michelle Rose Fabricante

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesía#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...