Tiis Thesis

1.8K 14 2
                                    

Bakit kasi may thesis pa?

Tanong sa sarili ko,
Noong tumungtong na 'ko
Sa ikaapat na taon ko sa kolehiyo
Napakahirap naman nito
Kakayanin ko ba 'to?
Bakit pa kasi may thesis ?
Sobrang nakaka-stress
Yung iba pa nga nade-depress
Baka grado ay singko o tres.

Sa pagbuo palang ng grupo
Mahirap nang mamili kung sino ang makakasama mo
Sa grupo ba na hindi ka pa siguradong makakapasa
O yung sa grupo na siguradong papasa kayo
O sa mga kaibigan mo na bumagsak man o pumasa
Basta't magkakasama
"Friendship Goals" kumbaga.

Mahirap pala talaga pag-grad''waiting''
Kailangan mo muna ang mahaba habang patience
Kailangan mo muna mag sacrifice
Kailangan mo muna maghirap
Kailangan mo muna magsikap.

Lalo na pag gagawa ka ng Thesis
Kailangan pang mag interview
Mag survey sa maraming tao
Kung ano ang mga problemang kinakaharap nito
Ang kanilang point of view
At kung paano so-solusyonan ang mga problemang ito.

Proposal palang nang Title
Kailangan mo ng depensahan
Kailangan mo ng ipaglaban
Kung papasa ba sa panel at maaaprobahan.

Ang hirap pala talaga mag-isip
Lalo na kapag maraming iniisip
Requirements doon,
Requirements dito,
Projects doon,
Projects dito,
Research doon,
Research dito
Exam doon,
Exam dito,
Hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo
Yung litong-lito ka na kung paano pagsasabayin ito.

Ang mahirap pa dito
Sa oras ng pagta-trabaho ng docu
Sa isang grupo hindi talaga mawawala 'to
Yung ibang miyembro
Kahit hirap na hirap na kayo
Sa kaka-gawa nang docu
Yung iba relax at chill lang
Parang wala lang
Walang obligasyon at responsibilidad na ginagampanan
Imbes tapusin ang documentation
Nauwi sa movie marathon
At sa kainan session
Yung saka palang sila aaksyon
Kapag deadline na ng project at documentation
Ang dami pang question,
Pagdating sa ambagan
Kailangan pang makipagtigasan
Sa pag gawa nang thesis di dapat ganyan
Di dapat tinutularan
Tumulong ka
Para meron ka ding magawa
At may pakinabang
"just saying lang naman".

Bakit kasi may thesis pa ?
Ang daming gastos
Yung pasensya namin mahaba pa
Pero yung pera namin unti-unti nang nauubos

Yung lagi nalang kaming puyat
Yung katawan namin pumapayat
Kahit gayunpaman
Lumalaban parin kahit walang tulugan
Basta may kape lang tuloy ang laban
Para sa kinabukasan.

Kahit puyat at antok
Sa eskwelahan parin ay papasok
Kahit stressed at haggard ang mukha
Wala silang pake basta bahala na.

Sa ilang araw na pagpupuyat
Ilang araw na sakripisyo't paghihirap
Akala mo pag natapos na
Lahat ayos na
Makakapasa na
Hindi pa pala
May mangyayari munang digmaan
Tiwala sa sarili gawing sandata
Upang mapatunayan,
Malabanan at madepensahan
Bago makamit ang salitang PASA
Sa mga panel na huhusga.
============================
Masakit man ang Umasa
Umasa sa wala
Yung ibinigay mo naman ang lahat
Dinepensahan at ipinaglaban
Pero kulang at hindi parin pala sapat.

Huwag lang talaga tayo mawalan nang pag-asa
Basta lahat tayo'y nagtutulungan at nagkakaisa
Walang mahirap,
Basta lahat nagsisikap.

Minsan hindi man nagkakaintindihan
Minsan may tampuhan at bangayan
Basta nagkakaisa parin sa layunin
Sa iisang hangarin
Lahat kayang gawin
Lahat kayang tiisin.
Lahat lalaban
Walang susuko
Hanggang sa dulo.

Lahat nang lungkot, paghihirap at sakripisyo
Lahat yan maglalaho
Lahat yan mapapalitan nang walang humpay na saya
Dahil sabay sabay tayong ma-martsa
Kasama ang ating mga ama't ina
Na hawak hawak ang ating mga DIPLOMA.

Photo credit :@Ah OK
Ni  Rey Christian S. Las Piñas

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon