Aaminin ko na
Kahit mahuli pa ako ng pulisya
Na sa mura kong edad
Ay kumitil na ako ng buhayIsa rin siyang lalaki
Na aking kaedad
Matangkad
At isa ring patpatinItinuring ko siyang kaibigan
Hindi marunong sumuko
At marami ring pangarap
Tulad koSiya ang aking sandalan
Balikat
Umaagapay
Na talukapNagkamali pala ako
Dumating
Ang pagsubok ngunit hindi siya
DumatingKaya nabuo sa aking isip
Na siya ay gantihan
May nabuo roong halimaw
Na sa kanya ay papaslangAlam na alam ko
Ang lahat niyang kahinaan
Ang dati niyang mga sugat
Ang aking tatamaanInabangan ko ang traydor
Sa gilid ng paaralan
Marami mang makakita
Ay wala akong pakialamNang makita ko ang hangal
Ay inundayan agad ng saksak
Tumagos sa kanyang likod
Sumuka siya ng dugoAng kaniyang pagmamakaawa
Ay hindi ko pinakinggan
Ibinaon ang tinidor
Sa kanyang lalamunanAt hindi pa ako nakuntento
Kumuha pa ako ng bato
At ipinukpok nang ipinukpok
Sa kaniyang uloNgunit matibay ang gago
Mala-pusa
May siyam na buhay
Humihinga pa rin kahit lasog-lasog
Na ang kaniyang bungoKaya't isinentro ko ang bato
Sa bukana ng kaniyang dibdib
At buong lakas kong pinukpok
Isa
Dalawa
Tatlo
Tingnan natin
Kung mabubuhay ka paMaraming nakakita
Marami ang nakakaalam
Ngunit ang mga pulis
Ay hindi ako mahuli-huliGalugarin man nila ang lahat ng dako
Hindi nila ako matatagpuan
Dahil meron akong safehouse
Sa ilalim ng lupaAng tangi kong hiling
Huwag niyo akong husgahan
Tao rin ako
Tao rin akoKung gusto niyo akong makita
Magtanong kayo sa mga nakasaksi
Dahil nakatatak sa kanilang diwa ang
Petsa at ano
Bakit at kailan
Lugar at paano ko pinatay
Sa kanilang harapan
Ang aking sariliLarawan ni: Julius Jonson
Ni Juan Brixter Tino
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poesia#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...