Iba ang Saya kapag laking Lolo at Lola

2.5K 16 1
                                    

Mula pagkabata,
Hanggang sa nagdalaga—
At nais ko'y hanggang sa pagtanda ko pa sana,
Makasama ko sila.

Lolo, ngunit nagsilbing aking tunay na ama;
Hatid sundo pa ako sa eskwela;
Ihahatid kahit saan magpunta;
May dagdag baon pa kapag kulang ang ibinigay ni lola;

At syempre meron din akong ina,
Hindi man ako lumabas sa sinapupunan nya—
Alam kong mahal nya kong talaga,
At siya ang aking lola;
Tulad ni lolo, hindi rin sya nagkulang sa suporta,
Strikta, ngunit alam kong malaki ang tiwala nya.

Tagasuway kapag ako'y pasaway;
Nagagalit siya upang ako'y magkaroon ng gabay.

Ako'y kinarga nila,
Hanggang sa nagkaroon ng isip at namulat ang mga mata.

Hindi sila nagkulang sa kalinga;
Binigay nila ang pangangailangan ko bilang bata.

Maraming pagsubok ang kinaharap,
Ngunit pinalaki nila ako ng punong-puno ng pangarap.

Kaya't kahit ilang beses akong sabihan na hindi lumaki na kasama ang ama't ina,
Sila'y nagkakamaling talaga
Sapagkat ang tunay kong ama't ina ay ang aking lolo't lola.

Marami silang tinanim sa aking isipan,
Na alam kong magagamit ko kahit kailan.

Nakakalungkot man,
Dahil may isang bagay akong hindi mapipigilan—
Yun ay ang kanilang pagtanda,
At alam ko na darating ang panahon na manghihina sila at wala na akong magagawa pa.

Ako'y pinalaki nila—
Tinuruan ng mali at tama
Ngunit 'di nila tinuro kung paano mabuhay ng wala sila.

Maraming bagay ang kaya nilang gawin na 'di mapapantayan ng iba kaya't masaya kapag laking lolo at lola.

Ni Divine Grace Isidro

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon