Putukan,barilan at bombahan,
Mga taong walang buhay na nakakalat sa daan,
Mga musmos na nanlilimos magkaron man lang ng laman ang tiyan,
Mga taong sa kalsada na tumira sapagkat wala ng tahanan,
At Baha ng dugo ng tao sa daan,
Yan ay sa syria matatagpuan.
Minsan mapapatanong ka na lang sa iyong sariling isipan,
Gera nga ba ang sagot para sa lupang pinagaagawan?
Dugo't Bala nga ba ang puhunan para ito'y makamtan?
Mga Patay na tao ba sa kalsada ang binibilang para sila'y katakutan?
Wala ba tayong dila upang ito'y pagusapan?
Wala na nga ba talagang tyansang magkaroon ng KAPAYAPAAN?
Sa tingin ko ang daming bansa sa mundo,
Ngunit bakit ni isa ay walang gustong tumulong rito?
Nabubulag na tayo sa katotohanan,
Nabibingi na tayo sa karapatan,
At Napipipe na tayo dala ng katakutan.
Para tayong nasa isang bangka namalapit ng lumubog,
Na kung gusto mong isalba ang iyong sarili ang iba ay iyong ihulog.
Atin sanang Tandaan sa Marawi ay atin din itong naranasan,
Na di porke't di mo kabayan eh,hahayaan mo na lamang at di pagdarasal man lamang,
Mga Amerikano nga'y tayo'y tinulungan,
Nagbigay ng Sundalo at mga sandatahan,
Sila ang patunay na di kulay ng balat ang sukatan upang hindi magtulungan.
Magkakaiba man tayo ng paniniwala,
Magkakaiba man tayo ng salita,
At magkakaiba man tayo ng pananampalataya,
Ang Puso naten ay tumitibok ng iisa.
Aking lang ibabahagi ang aking natutunan,
May Nahulog na Mansanas sa Isang Puno at dahil dito'y nadiskubre ni Isaac Newton ang GRAVITY,
Pero bakit sa Syria madaming nahulog na gusali at bangkay ngunit walang nakadiskubre ng HUMANITY.
Itong tula ito sana ay magbigyang daan para sana tayo ay mamulat,
Gamutin natin ang ating sariling sugat,
Sugat na siya ring nagpapasakit sa sarili nitong ugat.
Atin ng buksan ang ating mata na matagal ng nakapikit,
Buksan na ang Bibig na matagal ng nakapiit.
Kung nais natin ng pagbabago,
Magkapit-bisig tayo upang makamit ito,
Tandaan,
Di aandar ang isang dyip kung isa lamang ang pasahero.
Ni Matt Fernandez
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry#SPOKENPOETRY Dear You, One day, all of the people you treasure the most will leave. But there is one thing that will never go, and you will never forget-poetry. A soul of yourself and a home of your emotions. People come and go, but th...
