College Entrance Test

1.6K 19 1
                                        

Nagsimula nang bumilis ang kabog ng dibdib.
Na wari'y sasabak sa isang giyera.
Pero ang totoo'y wala s'yang dalang bala.
Ang tanging labit n'ya ay e-test permit.
2x2 picture-
at Monggol 2 na lapis.
Sapat na 'yon,
Para makipag digmaan sa test booklet.
Makipag sapalaran sa lilim ng init.
Mga pawis na tumatagaktak,
at sa panyo'y tila nangungusap.
Habang kalong ang pag-asang muling makabalik,
Muling makakarating sa alapaap,
Ninanis na makatapak muli sa unibersidad na pinangarap.
Kaya't ibinuhos ang lakas;
Tapang,
Talino,
Puso,
at ang damdaming maka-bayan.
Isinuko ang emosyon,
Kaba,
Takot
at Pangamba.
Sinubukan kong huwag mag bura,
Kaya't dumanak ang itim na tinta.
Alam kong hindi madali ang ika'y makuha.
Pero sinubukan ko,
At sinubukan ko.
Nilangoy ko ang General Information,
Nakipag patayan ako sa Verbal Reasoning-
Na kahit itinakwil ko na ang Matematika,
Nagbalik loob ako para sa Numerical data.
Pinusuan ko pati ang siyensya,
Oo,
aaminin ko sobrang nakaka-imbiyerna.
Isang daan at limampung alagad lang naman.
Ang sinubukan kong ipatumba.
May mga numerong naiwan,
May mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan.
Pero sinubukan ko-
Dahil ito ang aking puhunan.

Pcr. Alvin Lontoc
Ni Kuya Alvinn

Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon