3 - How to Appreciate a Nice Guy?

750 23 0
                                    


"Viv, what is the solution for this equation?" Tanong ng prof ko. Shems, I hate math. Nakakaurat naman si Sir, umiiwas na nga ako tumingin sakanya, tinawag pa ako.

"Yes?" tinanong niya ulit. Nagmumukhang umiinit na ulo niya sa kaka tap sa board.

"ummm, the solution is.." Ano ba yun. A squared plus..uhh..Algrebra pa nakoo.

"Sir!" tumingin kami sa likod at nakitang tinaas ni Jesse ang kanyang kamay. "Ako nalang po, bumababa na recitation ko.." bago pa nakasagot ang prof ay lumapit na siya sa board at sinulat ang sagot. Phew. Salamat Jesse. Na para bang narinig niya ang mental note ko ay tumingin siya sakin at nag smile.

Swooon. Ang swerte ko talaga. Siya nga pala ang boyfriend ko for 6 months.

Yes, pinilit ko na kalimutan ang crush ko kay Vince kahit para bang naka imprenta na siya sa puso at isipan ko. Pagkatapos nung halik namin ay para bang naglaho siya. Sabi sabi sa daan ay nagdrop out daw siya dahil sa family problem pero wala naman nagkompirma. 2 years na ang nakakalipas hindi ko parin alam ang totoong nangyari sakanya. Hindi man kami close pero nagaalala pa rin ako.

Kaya ito, move on move on din pag may time. Diba?

Mag kasing batch kami ni Jesse. Palagi ko siya classmate, hindi kami friends simula't simula pero nung math last year ay nagpaturo ako sakanya para hindi bumagsak. Maaalahanin at mabait siya kaya kami naging close. At 6 months ago, tinanong niya if I could give him a chance, syempre, alanganin pa sa una.

Alam mo naman....

Pag may tao na nasa isipan at puso mo, nakaka guilty na tumanggap pa ng iba. Inexplain ko yun sakanya, at alam niya rin na may napupusuan akong iba,

Pero he still asked for a chance.

Ayun. Napagisip isip ko na si Jesse andito. Present. Matututunan ko rin mahalin. Hindi katulad ni Vince, hindi ko na alam kung ano nangyari. Kahit naman bumalik siya hindi parin sigurado na magugustuhan niya ko.

Kaya nga iwas hurt, pinili ko ang safest love, si Jesse.

Ehem, bigla si sir umubo. Ay oops, matagal na pala kami nagtitinginan ni Jesse, nasa harap pa siya. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nagpipigil sila ng tawa. Okaaaay. Namumula na ata cheeks ko ngayon sa hiya. OMG.

"Okay, tama na harutan. Umupo na kayong dalawa. So class, nakikita niyo na..."

Bzzzt bzzzt. Bzzt bzzt.

Biglang tumunog ang phone ko at agad kong tinignan ng patago, 2 new messages. Isa kay Jeese at isa kay Stacey. Hmmm..stacey muna.

From Stacey
0997********
Tama na landian aral muna kaya ka bumabagsak e

O-kay. Tinignan ko siya at hindi siya tumitingin sakin, nakatitig lang sa board. Hindi ko alam ang problema niya kaya nagtext nalang ako para malighten yung mood.

To Stacey
Che hindi na kaya ako bumabagsak noh xx

Binuksan ko naman ang message ni Jesse.

From Jesse
0906********
Galing natin kanina babe ahh. ❤

Tinignan ko siya at pareho kami natatawa. Okay panlait to ahh.

To Jesse
Hahaha Okay hindi ko naman kelangan tulong mo babe pero salamat parin xx

Weh sino ba niloloko ko, pagdating talaga sa math kelangan ko ng tulong.
Tinago ko na cellphone kasi baka mahuli pako, kahit pwede naman dito stricto parin si sir baka bigyan ako ng penalty.

Pagkatapos ng klase ay biglang lumabas agad si Stacey ng walang paalam.

"Stace!" Ang tawag ko sakanya. Hindi siya lumingon at dali dali siya naglakad. Pinilit ko siya sundan pero dahil break time at madaming tao sa hallway, hindi ko na siya natanaw.

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon