13 - How to buy gifts?

414 12 0
                                    

Chapter 13

Unedited

------

Recap

"Kamusta ka?" ang sabi niya sakin.

"Okay naman. Nakakapanibago kasi kinakamusta mo ko." hindi mo naman ako kinontact. Gusto ko ituloy pero wag nalang.

Kumuha si Vince ng lighter at sigarilyo sa back pocket niya. Hmm, si Vince nagssmoke? Ngayon ko lang nalaman to. Bad boy siya nung college pero more on pranks, asta ganun, never on bisyo. I guess people change talaga noh?

"Nagssmoke ka pala?" ang tanong ko sakanya.

"Ikaw, kayo pala ni Jesse?" ang balik niya sakin.

Wow, 0 to 100 real quick si kuya.

------

Natulala ako sa tanong ni Vince. Hindi ko ineexpect na paguusapan namin ito ngayon. Baka sakanya, napaka casual ng tanong. Pero sakin iba, oo na inaadmit ko na kahit taon na hindi parin ako over sakanya. Ang tanga nga eh, hindi naman kami close pero bakit ganun.

Tinignan ko siya, nakatingin siya sakin na para bang nageexpect ng sagot. Well. Duh, Viv kaya nga nagtatanong diba.

Cinlear ko ang throat ko at sabay sabing, "uh..."

"MAM/ SIR!" sumabat si manong. Pinarada niya ang kotse sa harap namin sabay kumaway sa bukas na salamin. Bumaba siya at ibinigay ang susi kay Vince.

Nagpasalamat kami kay manong.
Well, ako syempre nagpasalamat din ng sobra kasi dinala niya ang kotse at naputol niya ang usapan namin. Tinapakan na ni Vince ang kanyang sigarilyo, linagay ang mga bilihin namin sa likod at sumakay sa kotse. Yun yung kakaibahan sakanila ni Jesse. Si Jesse palaging binubuksan yung pinto. To be honest, hindi naman sakin big deal yun. Okay lang kung buksan o hindi yung pinto, marunong naman ako magbukas.

Sumakay nako sa kotse sabay nagkunwaring humikab. Yes, taktika ko na para hindi na muna kami magusap ni Vince. Alam naman niya na kami ni Jesse bakit kelangan ko pa iconfirm? Ang awkward.

Silence ang sumampal sakin. Achieve na achieve ang goal. Sa duration ng aming byahe, hindi kami nagusap. Nasusulyapan ko lang si Vince na para bang galit. Nagfflex ang jaw pati narin ang braso.

In other words, pinapakita niya kung gano siya ka sexy. No..

NO

Wag harot, Viv.

Think of Jesse, kind, smart, gentle Jesse. Wag Hot, rugged and funny Vince.

Mas nagugulo utak ko eh. Pinikit ko ng mabuti ang mata ko. Wala pang 3 minutes ay tinapik nako ni Vince, andito na daw kami.

Binaba namin lahat at dinala sa loob ng bahay. Wala tao ngayon kasi walang kotse sa garage. Malamang sila ma at pa nasa work tapos si ranz naman nasa mga barkada niya. Hmm. Asan kaya sila Zion?

"Nasa band practice." Ang sagot ni Vince.

Huh.

Tumingin ako sakanya na nagtataka. Iniisip ko lang naman yun. Pano niya na sagot ng tama? Na para bang nabasa niya ang isipan ko, nagsmirk siya at sinabing,

"Basang basa kita Viv." tinapik niya ulo ko at dire diretsyo sa kusina bitbit ang mga binili namin. Pagkatapos niya ilapag ang mga bilihin ay umakyat siya. Okay. Hindi pala kami magpapansinan ngayon. Paakyat nako sa kwarto ng makita ko ang Christmas tree namin. May mga laman na. Hmm. Ang bilis naman nila mudra. Naglakad pa ako ng onti ng bigla kong narealize na 24 na pala ngayon! Wala pa ako gift. Hala...

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon