32 - How to Let Go?

274 10 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Paulit ulit sa isip ko ang opportunity ni Vince na masisira para saakin. Ayoko naman ng ganun. Sa katunayan nga eh imbis na matakot ako ay proud ako sakanya. Contract signing sa US? Iba yun. Kaya nga alam ko na ang gagawin.

Sunday ngayon at marami akong pinlano para sakanya. Sinabi ko na sakanya kagabi na ilalabas ko siya. Balak kong magtheme park kami ngayon para masaya. Lumabas ako ng kwarto at bumaba for breakfast. Wala pa yung iba kasi medyo maaga pa, si Mama palang.

"Oh, bat ang aga mo nagising anak?"

"Wala madami lang nasa isip ko."

"At ano naman yun?" Sinenyasan ako ni mama umupo sa harap niya. Medyo matagal na rin kaming nakapag one on one real talk kaya naman nakakatuwa.

"Ang selfish ko ba kung ako magdedesisyon para sa ikabubuti ng career ni Vince?"

"Anong selfish dun?"

"Mahohold nanaman kasi kami. Alam kong ayaw niya rin yun pero syempre gusto ko rin na umusbong ang pinaghirapan niya."

"Anak, kung ano man yan, kung ano man ang mahohold, basta kayo para sa isa't isa. Babalik at babalik din kayo sa piling ng isa't isa."

"Pero ma.."

"Alam mo anak, nung una ko kayong makita, alam mo kung bakit ako nakipag bet sa papa mo?"

"Hindi po."

"Kasi nakita ko na mahal niyo ang isa't isa sa mga titig niyo. Kahit nagaaway kayo, ni minsan walang nagbago sa pagtingin niyo. Kaya nga kahit anong layo o kahit anong hirap ng pinagdadanasan niyo ay pag si Viv at Vince ang sinubukan? Chicken lang yan."

Nagsmile ako kay Mama. "Thank you Ma!" Eto ang boost na kelangan ko para gawin ang nararapat.

_________

"Sakay pa tayo dun! Wag mo sabihing natatakot ka?" Ang kutya ko kay Vince. Oo andito kami sa Star City.

Halos lahat na ata ng rides ay nasakyan na namin. Hinahatak ko siya kung saan saan. At biruin mo yun nanalo pa ako ng teddy bear para sakanya. Nakakatawa nga eh kasi kanina pa siya nakasimangot, hindi niya kasi makuha yung prize para sakin. Cute.

"Okay, halika na. Hindi kita uurungan." Ang sabi niya sabay hila saakin sa mukhang deathly roller coaster.

At yun nga, buong hapon kaming nagbobonding over hotdogs, rides and selfies. Hindi ko alam na maraming photobooth pala dito.

"Halika Viv."

"Oh ano meron?" Lumapit ako sakanya. Nasa may tindahan siya ng mga girl accessories. Pag lapit ko ay may inipit siya sa buhok ko.

"Maganda ba?" Ang tanong niya sa tindera.

"Ay napakaganda po sir. Swerte niyo po"

Nagsmile ako sa tindera at sinabing, "Mas swerte po ako."

Binili niya ang hairpin at umalis na kami.

"Butterfly hairpin?"

"Oo, kasi tuwing nakikita kita palagi akong nakakaramdam ng mga paro paru sa tsyan ko."

"Weh"

"Oonga halika na. Saan ba tayo next?"

"Hmm, medyo gabi na. Bukas na ang city lights, alam mo na kung saan?"

"Yup! Ferris Wheel here we go!"

"Yasss...Wait!"

Papuntang ferris wheel ay may nakita akong betahan ng string bracelets. Lumapit ako at may nakitang black and white couple bracelets na naka display. Simple but very romantic.

"Kuya eto po, bibilhin ko."

"Nako madam, good choice. Yan ang lover's paradise namin. Para sa mga long distance lovers. Kasi ang puti at itim ay in deep contrast o magkalayo sa isat' isa. Pero kahit anong tingin mo ay nagmamagnet parin ang mga colors nila kasi ang ganda nila together."

"Parang kahit anong layo ay may naguugnay parin sakanila?"

"Yes."

"Perfect."

"Nako madam swerte ka po. Last piece na kasi namin yan."

Binigay niya ang bracelet at bumalik na ako kung asan si Vince. Hindi niya kasi ako nasundan dahil nagmadali ako umalis.

"Ano yan?" Ang tanong niya. Sisilip sana siya sa loob pero tinago ko.

"Secret." Hindi na niya pinilit buksan dahil alam niya ang ugali ko. Pag ayaw ko ipakita ay wala siyang magagawa.

Pumunta na kami sa ferris wheel at buti nalang wala masyado tao. Paakyat ng paakyat habang natanaw na namin ang city lights.

"Vince.."

"Yes?"

"Para sayo." Binigay ko ang bracelet at sinuot sakanya. "I love you. Couple bracelet yan, meron din ako." Pinakita ko yung akin.

"Ang ganda and I love you too."

Kinilig ako dahil sa pinakataas ng wheel ay naulit ang unang nagdugtong saamin.

Ang kiss na hindi ko makalimutan.

Pero ngayon, much sweeter and much longer.

____

Pagkatapos ng lahat ay sinabi ko na sakanya ang pinaka dinedread ko.

"Accept the deal."

"Huh?" Ang tanong niya. Nagtataka sa sinabi ko.

"Yung contract signing sa US."

"Pano mo nalaman?"

"Kanino pa ba?"

"Mitzie? Sinabi ko naman sakanya na.."

"Stop, Vince. I love you pero this time I'm letting you go fulfill your dreams."

"Viv, choice ko na tanggihan yun."

"No, pinili mo yun kasi ayaw mo ko iwan. Pero I'm letting you go for a while."

"So wala nanaman?"

"Hindi Vince, I'm letting you go for a while kasi maghihintay ako para sayo."

"Viv.."

"Pag naging okay na ang lahat, pag may career ka na, andito lang ako. Pag hindi nag work o may masamang nangyari, andito lang ako. Hindi ako mawawala. Andito lang ako magiintay sayo Vince. Yung contract, it's a once in a life time opportunity. I'm letting you go not because I'm selfish o sa kahit ano pang rason, I'm letting you go because I love you. I love you enough to set aside my feelings for your future."

"Viv, mahal kita alam mo yan. And kung tinanggap ko to.."

"Which you will."

"Kung tinanggap ko ito, maghihintay din ako sa moment na pwede na kita balikan."

"And I'll welcome you with open arms."

"Thank you, Viv. For understanding everything."

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon