25 - How to Stop Jealousy?

296 13 0
                                    


"WE'RE HERE!!!"

Binunggo ko yung arms ni Stacey para tumahimik siya. Sa ngayon tinitignan na kami ng mga tao, nagtataka ata at bakit nakawala sa mental hospital ang sumigaw.

"Stacey! Nasa airport palang tayo, Pilipinas pa." Ang sabi ko ng pabulong.

"Oh, and so?"

"Shhh! Sa France ka na maexcite!"

"Eh ano ka ba, naeexcite ako kasi tuloy na ang field trip. Andito na ako aa airport, naka pack na ang lahat at ready to fly! Wala nang makakapigil." Ang sabi niya.

Oo, kasama ko si Stacey. Kinalimutan na namin ang petty fight kay Jesse. It's not worth ruining our friendship. Pero syempre, may bakas parin kaya we're starting over. Clean slate kumbaga.

Andito na kami sa airport. Hinatid ako at si Vince ni papa kanina. Pero dahil secret nga ang pagtira namin sa isang bahay, bumaba ako ng una at umikot si papa para ibaba siya. Kaya ngayon magkahiwalay kami. Hindi ko rin alam kung asan siya kasi bibigyan pa sila ng assigned class to supervise.

Secretly, hoping ako na sana saamin siya mapunta para kahit papaano ay nakikita ko siya sa city of love. Yes, pupunta kami sa Paris! Excited na nga ako eh, pero mas masaya sana kung kasama ko siya sa Eiffel tower.

"Girl, bakit ang lalim ng isip mo?"

"Huh?"

"Sabi ko, bakit ang lalim ng isip mo?" Ulit na tanong ni Stacey.

"Huh? Wala noh. Hindi naman."

"Weh, umamin ka nga saakin. Over ka na ba kay Jesse?"

"Huh, oo naman! Bakit?"

"Kasi nasa harap natin sila. Sila nung bago niyang girlfriend." Tinuro niya sila Jesse at Maia. Nakaupo sila sa coffee shop naguusap at nagtatawanan.

"Stacey, wala na kami ni Jesse. Free na siya mag date. Tsaka mabait si ate girl. Nakausap ko na siya. Sa totoo nga, okay naman ako sakanila. No hard feeling."

"Pero still kakabreak niyo palang!"

"Eh ikaw, over ka na ba?" Tinanong ko siya. Para kasing mas affected pa siya kesa saakin.

"Oo naman ano ka ba." Confident niyang sinabi. Tumingin siya sa sahig at huminga ng malalim. "Alam mo naiinis lang ako kasi, now that I think about it, mas okay ako nung kayo kasi atleast alam ko na mabait ka na tao. Hindi mo siya sasaktan intentionally."

"Alam mo Stace, he's too good for me. Kahit na hindi ko sadyain na masaktan siya, ganun parin kakalabasan kasi may mahal akong iba, alam mo naman yun."

"Eh aber sino ba yun?"

"Next time na, next time na."

------

Flight F-801 is boarding soon. All passengers line up in the boarding area. Attention: All passengers please line up.

Nagising kami ni Stacey sa announcement ng stewardess. Halos 1 hour kasi nadelay ang flight.

"Halika na." Linigpit na namin ang mga bag at dinouble check na bitbit namin lahat ng dinala kanina. So far, so good. Medyo madami na ang nakapila nung nakarating kami sa boarding area.

May pagka awkward nga kasi nasa harap namin si Jesse at Maia. Hindi ko nga alam kung babati ako eh. Kung tutuusin no hard feelings naman kaming lahat. Sa ngayon, hindi pa nila kami napapansin. Masyado silang nakafocus sa isa't isa, sobrang sweet nga eh, nakakatuwa.

Napagisip isip ko na wala namang masama bumati. "Uy!"

"Viv!" Ang sabi ni Jesse na gulat. Chill ka lang pre, wala ka namang ginagawang masama eh.

"Uy, hello." Ang awakward smile naman ni Maia.

Ewan ko ba dito sa dalawa parang naiilang ata saakin. To ease the tension, ngumiti ako ng malaki at nagattempt mag small talk. "Kamusta na? Ang saya noh? Field trip sa France."

"A-a-ahh oo." Ang sagot ni Jesse. Sa sobrang kaba ata o ewan napakamot siya sa ulo. Si Maia naman tumango lang at ngumiti.

O-kay. Last chance.

"Eto nga pala si Stacey, friend ko." Ang sabi ko kay Maia. "Maia, Stacey. Stacey, Maia." Pinakilala ko silang dalawa pero parang wrong move ata kasi mas lalong naging awkward.

"Passports?"

Phew. Saved by the.....Huh.

Katabi ng stewardess na magchcheck ng passport namin ay si Vince na kasama naman ang english teacher na si Ms. Valdez. At sa unang tingin ay para silang may relasyon. Si Ms. Valdez kasi sobrang lapit kay Vince. Eto naman si Vince hindi umurong ng onti. Hindi naman sa nagseselos ako pero mahiya naman sila ang daming estudyante dito tapos maglalandian sila.

Ay aba aba, may binubulong si Ms. Valdez sa tenga ni Vince. Kelangan lumapit? Hindi ba pwedeng magusap ng maayos. At ano naman yang tawa ni Vince? Ano siya joker? Bakit parang ang saya saya nila.

"Huy!" Tinapik ako ni Stacey at sinenyasan niya ang stewardess na hinihingi passport ko.

"Ay sorry, hindi ko namalayan." Binigay ko ang passport at inapprove na kami. Pumasok na kami at umupo sa designated seat namin at well, window seat ako. Nag bato bato pick naman kami ni Stacey bago ko nakuha ito. Syempre sino ba namang ayaw sa window seat?

"Ano yun?"

"Yung?"

"Parang alam ko na."

"Huh, ano naman alam mo Stacey?"

"tsk tsk tsk, bad ka ahh. Kapatid pa talaga." Ang sabi niya saakin sabay subo sa binuksan niyang chichirya. "Gusto mo?"

"Ayoko, tsaka ano ba yang pinagsasabi mo? Na may gusto ako kay Vince?" Ang bulong ko.

"Hmmm, wala naman akong sinabi tungkol kay Vince ahh. Lalo na na gusto mo siya."

"Che." Tumingin ako sa harap at nakitang pumasok na silang dalawa. Hindi ko naman masisisi si Vince kasi talaga namang maganda si Ms. Valdez. Straight ang buhok, sexy at matalino pa. Ang layo lang sakin. Higit pa eh halos magkasing edad lang sila hindi katulad ko na college pa.

Leche.

"Ayan ka nanaman eh. Pahalata"

Okay. Kinuha ko sa bag ko ang pampatulog ko na panakip mata at binigay sakanya.

"Ano to?" tanong ni Stacey.

"Para sayo, matulog ka na nga lang." Naiinis ako kasi alam ko naman na hindi pa ako over kay Vince. Sana pala hindi nalang siya supervising teacher namin para hindi ko na sila nakikitang dalawa. Magkatabi pa sila. Pero sino ba ako para magselos at mainis ng ganito?

How can I stop this jealousy? Wala naman akong karapatan. Wag sila isipin? Lalo na wag isipin si Vince?

Hindi ko ata kaya.

And for the first time in my life, nakapagdesisyon na ako. Ayoko intayin na maging "what if" nalang kami.

This trip will be the deciding factor sa relationship namin and I know just what to do.

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon