"Maia" Inulit uli ni Jesse ang pagkasabi niya na para bang hindi siya makapaniwala.Tatlo kaming pabalik balik nang tingin sa kanilang dalawa. Si Mrs. Hernandez tuwang tuwa. Naka kapit ang dalawang kamay at mistulang proud na proud sa nagawa niya. Si Mr. Hernandez naman ay nakaconcentrate sa kanilang dalawa, iniisip na ata ang kasal na pag gagastusan nila. Ako naman nag seself pity. Paano ko lalabanan ang isang babaeng dyosa ang mukha at mabait pa.
Si Maia at si Jesse magkatinginan, sa sobrang intense ay para bang gustong lumapit sa isa't isa pero tila may pumipigil sakanila. Si Vince naman, ang hindi napapansin nang iba, nakatitig sakin. In summary, isa itong sitwasyong gusto ko matakasan.
Tumingin sakin si Maia na para bang nabuhusan siya nang malamig na tubig. Kumunot ang mukha, nagtataka kung bakit ako nandito, sabay ngumiti.
"Ikaw yung kanina. Sabi ko na nga ba ang ganda sayo eh. Ako nga pala si Maia. Hindi ko nasabi kanina kasi kelangan ko na umalis." ang sabi niya nang mahinahon sabay extend nang kanyang kamay. Pati boses niya parang anghel.
"Ahh okay lang yun. Salamat pala ah. Ako si Viv." sabi ko. Kinamayan ko siya. Mukha naman siyang mabait. Hindi ako dapat nagiisip nang kung ano ano. Hindi din naman niya kasalanan kung bakit sila nagbreak ni Jesse.
"Ahh magkakilala pala kayo." Ang sabat ni Mrs. Hernandez.
"Halika na, umupo na tayo sa hainan at madami pa tayong pagkkwentuhan." tugon ni Mr. Hernandez.
Nauna umalis sila at sumunod naman sila Maia at Vince. Si Jesse parang nakaglue sa pinagtatayuan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil nang onti.
"Okay ka lang?" ang tanong ko.
Tumango siya sabay punta sa hainan nang walang sinasabi. Sinundan ko nalang siya pero ang gusto ko talaga ay lumabas sa pintuan at hindi na bumalik.
Umupo kami, for a few minutes walang nagsasalita. Kalempang at tunog lang nang mga taong nagsasalo salo sa isang masarap na dinner. Pero syempre hindi naman ito TV na pwede i mute.
"Kamusta ka Maia?" ang tanong ni Mrs. Hernandez.
"Okay naman po. May performance kami dito sa Philippines kaya nandito ako at cinontact kita." ang sagot niya.
"Ayy ang galing. Saan naman itong performance mo? For sure pupunta si Jesse."
Tumingin si Maia kay Jesse tila parang nahihiya saka sumagot kay Mrs. Hernandez. "Sa MOA Arena po. Kasama performance namin sa opening nang Cirque Ballet."
Tumango tango si Mrs. Hernandez sabay ngiti kay Jesse. "Jesse, anak, diba sabi mo bibigyan mo nang oras si Maia kung sakaling bumalik siya sa Pinas?"
Tumingin ako kay Jesse, gulat. Wala naman siyang sinabi sakin. Okay lang naman ako duon. No big deal kasi trust ko naman si Jesse. Pero first time ko to maririnig. Medyo hurt ako pero may maliit na boses na bumubulong sakin, hindi ako dapat nagagalit kasi nagsisinungaling din ako sakanya.
Nagflex ang jaw ni Jesse sabay tingin kay Vince. "Bakit ka andito?" ang sabi niya, not too nicely.
"Inimbita namin siya. Sa bagay nagkita na rin naman sila ni Maia, why not na isama narin natin siya dito sa dinner, diba?" Ang tugon ni Mr. Hernandez.
"Isama pero tinatrato niyo siya na parang hangin?" Sumbat ni Jesse.
"Jesse..." bulong ko sakanya na pagcocomfort sa feelings niya.
"Pati si Viv ma, akala niyo ba hindi ko napapansin? You said you'll give her a chance, but all you do is ignore her! Maia this, Maia that. Oo ma, okay naman ako kay Maia. Pero for once, pls stop forcing on us what you like." Tumayo siya sabay nagwalk out.
"E-excuse me." Ang mahina kong sabi sabay tayo at alis.
Ding ding ding ding. Pangalawang beses na tong walk out. Tumakbo ako palabas at nakitang paalis na ang kotse ni Jesse.
What.
WHAT.
Siya ang ride ko? Hala. Pumikit ako at huminga nang malalim. Seriously? Sa sobrang upset niya nakalimutan niya na may kasama siya? Kasama niyang walang kotse pauwi? Na hinatid niya lang?
Tumingin ako sa wallet ko para ibudget ang gagastusin ko sa taxi. Okay meron akong 400 pesos. Baka kaya na to. Tumingin ako sa cellphone ko para magbook nang uber.
Searching, searching. Okay ayan na.....550?!?! Oonga pala rush hour. Ughh. Ibook ko nalang hanggang supermarket at maglalakad nalang ako pauwi.
Nagbook ako uber papuntang supermarket na malapit samin. Mga 15 minutes walk sa bahay okay na. Mga 2 minutes pa ang nakalipas nang dumating na ang uber.
Sumakay na ako at nagearphones. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit failure palagi ang dinner pag dating sa parents niya. Hindi ko rin naman masisi si Jesse, siguro bumabalik yung feelings niya kay Maia. Pano ba naman makakalimutan ang isang anghel?
Hindi ko rin naman magawa ang sarili ko na magalit sakanya. Ang hirap naman kasi magalit sa isang taong wala naman kasalanan. Unfair naman to dislike a likeable person. Walang way, hindi mo pwede sisihin sakanya lahat nang masamang nangyayari sayo kung wala naman siyang kinalaman duon.
"Andito na po tayo mam." Ang sabi nang driver.
Tumingin ako sa labas at nakitang malakas ang ulan. Umuulan huh. Ang swerte talaga Viv. Inabot ko ang pera sakanya sabay labas nang kotse. Malas ko talaga, ito pa naman yung bag ko na hindi kaya ipasok ang payong. Hence, wala akong payong. Ahhh, bahala na.
Pumatak ang ulan sa aking ulo, nagspread sa aking damit, mamaya maya pa ay para na akong basang sisiw na naka suit sa daan. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Bakit ba saakin nangyayari ito? Kung tutuusin bata pa ako. I'm too young to be this hurt.
Maybe ang pinaka masakit sa lahat ay yung taong iniisip mong kaya mo asahan kahit saan ay nalet down ka. Utter disappointment ang naffeel ko ngayon. Nakakainis na ang tanga ko naman, tao din naman si Jesse, bakit ko pa pinipilit na perfect siya. Maybe because expectation ko sakanya to be perfect? To always be a gentleman?
Hindi,
Ang pinakamasakit sa lahat ay ang fantasy ko. Ang pagkakahibang ko na makakaget over ako kay Vince because of Jesse. Na pinipilit ko ang sarili ko na magmahal nang iba kahit ayaw nang puso ko.
Beep beep. Beep.
May nag bubusina sa likod pero nagfafade yung sound. Pati paningin ko dumidilim. Asan na ba ako? Ilang minuto na ba ako naglalakad?
"VIV!"
May tumatawag sakin sino. Tumingin ako sa likod pero nagtilt ang mundo ko. Out of balanced, weak at mabigat ang nararamdaman ko. Sa dilim na nakikita ko may ray of light na sumisinag.
Isang makislap na silver band ang huli kong nakita bago ako nagpakain sa karimlan.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...