31 - How to Confess?

287 11 0
                                    

Heartbroken.

Kung meron isang salita na idedescribe ako ngayon ay eto yun. Ilang araw na kasi kami hindi naguusap ni Vince. Una kasi may sama pa ako ng loob sakanya. At pangalawa naman ay iniiwasan ko siya.

Kapag malalaman ko na lalabas na siya sa kwarto o kaya naman kakain na sa hainan ay umaalis na ako agad. Swerte din kasi this past week eh napaka busy nila sa band practice. Malapit na kasi ang performance nila. Debut dito sa Pilipinas kaya naman talagang todo ang rehearsals.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Oo, galit ako sakanya kasi palagi niya tinutuunan ng oras si Mitzie na ex girlfriend niya. Sa kabilang banda naman, ano ba ako sakanya para mag dikta kung sino ang pwede niya kasama. Hindi pa naman kami.

Kaya naman, nagfofocus nalang ako sa studies ko. Mag eexam na rin naman, hindi ko na kelangan ng distractions. At tsaka pa, bumalik na ang math teacher namin kaya na release na si Vince sa teacher duties niya.

Normal day ngayon, well, as normal as pag iwas ko kay Vince. School day kaya naman ay may excuse ako maging maaga.

"Viv!"

Pagpasok ko sa classroom ay may tumawag na agad saakin at eto pa ay galing sa least expected person ko.

"J-jesse?"

"Pwede ba tayo magusap?"

"Umm, sure."

Lumabas kami ng classroom at pumunta sa wala masyadong tao.

"Ano yun?" tanong ko.

"Kamusta na?"

"Okay naman. Ikaw?"

"Masaya."

"Ahhh, buti naman. Sweet niyo nga ni Maia eh."

"Ahh oo. Kinakamusta ka rin niya."

"Sabihin mo okay lang ako. Masaya ako sa inyong dalawa."

"Ummm, eh kayo ni Vince?"

Alam niya?

"Oh eh ano naman kami?"

"Magkaaway parin?"

"Ahh ha ha ha wala yun. Sige ah mag be bell na ata. Balik nako." Paalis na ako ng pinigilan niya ako.

"Wait Viv! Eto oh" May inabot siya saakin na parang ticket.

"Ano yan?"

"Concert ticket nila Vince. Ngayon kasi yun, ipinapaabot niya kasi hindi ka daw niya matyempohan."

"Uhhh..." Nagaalangan ako kunin yung ticket kasi hindi naman ako sigurado kung pupunta ako. At tsaka kelan pa sila naging close?

Aalis na ako pero si Jesse hindi ako binigyan ng choice. Pinilit niyang kunin ko ang ticket at biglang nag bolt pabalik ng classroom.

Kaya ayun, eto ako hawak hawak ang ticket sa debut performance nila, nagiisip kung dapat ba pumunta.

------

In the end, napapunta ako.

Yes, andito ako, nakatayo sa VIP area. Mosh pit tickets yung binigay samin kasi family. Infairness, madami dami din ang tao. Nagsold out kasi ang tickets. These past months kasi nag g-gig sila para makilala.

Ayun, nag pay off naman hard work nila. Makikita ang mga taong pumunta ay fans nila. May mga bandera na kasi sila na may mga mukha nila Vince. Hindi ko alam na medyo sikat na pala sila. Nung mga times kasi na nakakahalubilo ko sila ay normal lang naman.

Yun din ang gusto ko sakanila, kahit meron na silang mga fans ay hindi nila ginawa itong dahilan para magyabang saamin o kung kanino pa man.

Malaki ang MOA Arena kaya imbis na dun ginanap,, ay sa MOA concert grounds nalang. Kasi kahit may fans sila ay hindi parin kaya na ihold ito sa MOA Arena. Okay na rin kasi ang banda ay mas bagay sa concert grounds.

Nakatayo kami, makakajive sa music nila.

"Eto na beshyyyy!" Kasama ko nga pala ngayon si Stacey at Jack. Yes, tropa na ulit kami. Nandito din si Ranz with his friends pati si Jesse at Maia. Sila mama naman andun sa backstage, hindi na daw kasi kaya ng rayuma nila ang pagtayo sa buong concert.

"Bes, okay ka lang?" Tanong ni Stacey.

"Bakit tingin ka ng tingin kung saan saan?" Dugtong ni Jack.

"Ahh wala wala." Meron. Ang totoo hinahanap ko si Vince...at si Mitzie. Gusto ko kasi malaman kung dapat bang mag give up na ako sakanya o hindi. Alam ko ang weak ko ngayon kaso hindi ko lang talaga alam ang gagawin.

Natigil ang pag oover think ko nang marinig ko ang mga hiyaw ng mga tao. Mag sstart na. Dumilim ang paligid at nagintay kami sa opening act. Isang malakas na strum ng electic guitar ang naging signal sa mga crew para ipaliwanag ang buong stage.

At ayun na, nagstart na sila.

"WOOO!"

Well, sa sobrang hype at kahit galit ako kay Vince ay napa cheer narin ako. Mga cover songs ang kinanta nila - Magazine, Narda, Ang Huling El Bimbo, at marami pang iba. Wala pa silang original songs, atleast sa pagkakaalam ko.

"Hello hello!" Ang bati ni Vince sa crowd na siya naming sinagutan ng hiyaw. "Maraming salamat dahil nakapunta kayong lahat dito sa aming first show! Dahil labis kaming natuwa sa inyo, kakantahin namin ang kakasulat lang na original song as our final song for the night. Gusto niyo ba yun?"

"YEEEESSSSSS!" Ang chorus ng crowd.

"Isinulat ko ito para sa isang babae na nagpapatibok ng puso ko. Ang pamagat ng kanta ay "Hintay" - para sa pagmamahal na walang iwanan magintay man kayo ng matagal na panahon. Hopefully nasa crowd siya ngayon at nakikinig. Para sayo to, V!"

V????

Hindi Mitzie?

Para saakin ito?

Nagstart yung song sa isang slow and steady na beat hanggang naging upbeat na siya.

"Naalala ko isang kumikislap na mata, Nabighani sa isang masayang tawa

Babaeng dyosa sa paningin ko, Ngunit hindi kami pinagtatagpo

Noon ay gusto kausapin, Pero palaging may hadlangin

Isang gabing nakakagulat, Isang halik na sa aking puso'y nakakagat

Ohhh, Hintay, Oo, Hintayin mo lang ako

Mahal ko, ang tagal kong ikinubli

Damdaming gusto sabihin, sana'y mapansin

Pupuntahan kita kahit saan, Ohh sana

Sana hintayin mo rin ako..."

Natapos ang kanta na may luha ako sa mata. Sana para sakin yun kasi handa na akong patawarin siya. Bakit ba kasi nagselos? Una palang wala na ako trust? Parang sobrang babaw ng pinagawayan namin. Sobra din akong na touched sa effort niya.

Nang matapos ang concert ay dali dali akong kumalas kela Jack at tumakbo papuntang backstage, at sa dressing room nila. Tinignan ako ng mga crew pagpasok ko, thankfully may golden pass ako kaya pwede ako pumunta kahit saan. Tumakbo ako hinahanap ang dressing room ni Vince - nakita ko kasi mayroon sila kanya kanyang kwarto.

Sa wakas, after mga 10 minutes na tumatakbo at pawis pawis na sarili ko ay nakita ko na ang room ni Vince. Okay Viv, deep breaths. Eto na, kakatok na sana ako ng may tumawag sakin.

"Viv?" Isang boses na hinahanap hanap ko ang narinig ko.

"Vince."

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon