Unedited
____________
"So ano nangyari?"
"Ayun, nag agree naman siya. Alam niya naman kasi na mas mahal niya si Maia eh."
"hayy, beshy naman, SAYANG!!!"
"Shhh! Ano ka ba Jack, volume down please. Announce to the world, ganun?"
"Ay hehe sorry." Tumingin si Jack sa paligid at nakitang madami nga tumingin samin. "pero beshy natamaan ako ah, kasi dream couple ko kayo ni Jesse. Pero may point ka rin na pag may ibang mahal, wag na pilitin"
"Tama ka dyan bes, pero ngayon clear na ang feelings ko. Not super happy per se pero atleast magaan na. Magtatake time off muna ako sa dating noh."
"Enjoy the single life? Ganern?"
"Yehess, di katulad sayo happily in love. Kamusta naman kayo?"
"Okay naman kami bes, staying strong as ever syempre pagkatapos ng mga pinagdaanan namin noh. By the way, school na ulit bukas. Ano na balita kay Stace?"
"Ewan ko nga eh. Wala naman akong balita dun simula nung humiwalay na siya at nagkaroon ng mean girl phase."
Naguusap lang kami ni Jack ng mga bagay bagay, catching up kumbaga kahit nagkita naman kami nung isang araw. Ganun talaga pag bff mo talagang nakakamiss, pag nagkita kayo automatic na ang mag daldalan ng buong araw.
"Anyway, sige Jack, alam kong may date ka pa. Alis nako ahh. May hinahabol kasi ako na show sa tv. Ciao!"
Pero syempre, dahil taken siya, hati ang oras namin. Spend time nalang muna ako sa sarili ko.
Umalis nako at magboobook ng Uber nang makita ko ang isang cute na outfit na naka display sa store. Hmm, ano ang makakaidentify sa fresh start? Syempre new clothes! Pumasok ako at naghanap hanap, hmm ang daming pwedeng pagpilian.
Ang dami kong gustong bilhin, style ko kasi recently sa comfort naka focus pero ngayon I think I need to level up in terms of fashion. Yung mga trending na pero still comfy. Gusto ko new start pero ayoko naman ibago ang lahat including me. Gusto ko as a new start, ako pa rin. Si Viv parin with all her values and tastes intact, just better.
Ang daming pwedeng pag pilian. Gusto ko itry yung skirts and dresses, parang feel ko kasi at tama lang mainit rin naman dito. Papunta na ako sa may mga skirts which is kabilang dulo nang may nagpatigil saakin,
"Ray! Maganda ba to? Baaaabe! Tignan mo ko!"
Ang familiar naman ng boses na yun.
"B, ano ba tama na sa pagtingin mo sa phone mo noh, eto ba maganda, look!"
Ang demanding, pero wait sobrang familiar talaga. Sumilip ako ng onti habang nagtatago sa rack ko at tama nga. Very familiar ng boses.
Stacey.
and
Rayver?! as in Reese and Rayver?! Bandmates ni Vince.
hmm, nagdadate pala sila. Hindi naman sa nagjujudge ako pero mukhang chill si Rayver, sobrang out of the blue na idate ang personality ni Stacey. Pero maybe that's just me. Syempre we can't judge a person in love, minsan love changes everything, even how you see yourself.
Anyway, hindi na ako makakapag shopping dito, ayoko makasalubong si Stacey. Fresh start na fresh start tapos may maninira ng mood ko? No way. Tumalikod ako ng mabilis para makaalis na pero may ibang plans ata sa akin ang Diyos. Nabunggo ako ng isang sales clerk na may hawak ng maraming damit. Sa sobrang lakas ng force ay napa tumba ako ng paupo.
"Ouch!" Ang reflex response ko. Ang sakit ng pwet ko, hindi naman ako nahulog sa sofa kundi sa sahig.
"Ay! Miss sorry, sorry sorry!" Natatarantang sabi ng clerk na paikot ikot tila'y may hinahanap. Kung saan niya ata ilalagay ang mga bitbit niyang kabundok na damit.
"Hindi okay lang, kaya ko naman tumayo magisa." Ang sabi ko. Pag ka tukod ko sa sahig para tumayo ay naramdaman ko ang isang mahapding kirot sa kanang paa ko. Hahawakan ko na sana nang naunahan ako ng isang kamay.
huh?
"May sprain ka Viv." Ang sabi ni kamay at bigla akong binuhat bridal style. Lumaki ang mata ko sa gulat at tumingin sa aking "savior" o kay kamay. Rayver.
"R.." Magsasalita na sana ako nang natigil sa sigaw ng isang nawawalang ibon. Joke.
"Baaaaaaaabe!" Sabi ng ibon.
Joke ulit. Si Stacey. Halatang kumukulo na ang kanyang dugo sa kakairap saakin. Kung anime lang siya makikita mo na ang mga usok na lumalabas sa tenga niya sa galit. Tinignan ko si Rayver para irequest na ibaba ako, maghahanap nalang ako nang guard para tulungan ako sa clinic pero inignore niya ako
at well si Stacey rin.
Dumiretsyo siya sa may entrance ng store at tumigil sa may guard at nagtanong kung saan ang clinic. Palabas na kami ng nagsalita ulit si Stacey.
"Leave with her and it's over for us!" Ang sigaw niya. Omg, ako na nahihiya sakanya. Face palm, motto ko talaga sa buhay, stay away from trouble eh pero palagi akong naiipit sa isa.
Tumingin ako kay Rayver at sinabing, "Okay na ako, ako na bahala. Bumalik ka na kay Stacey."
Tumingin lang siya sakin at nagsmile sabay ignore. Huwaw, silence-zoned? Okay, A man of few words pala ito. Pero talagang iiwan niya si Stacey? Medyo malayo layo ang clinic kaya onti onti akong gumagalaw sa arms niya.
Una, dahil sa hiya. Nakikita kong madami na ang tumitingin saamin.
Pangalawa, sa hiya ulit. Baka sa bigat ko maputol na ang kamay niya at sisisihin ako ni Zion at ni Vince kapag hindi siya makapag rehearsal.
Tumigil siya sa kakalakad, at sinabing, "Viv, kung ano man ang iniisip mo, itigil mo na yan. Nanggigigil lang ako sayo. May nagsabi na bang ang cute mo pag nagiisip ng malalim.." Linapit niya ang mukha niya sabay continue ng sinasabi niya, "kumukunot ang noo mo at nagpopout ka."
Lumaki ang mata ko at tumingin sa baba, iniwasan ang titig niya. HELLO, 10 minutes ago sila pa ni Stacey. Hindi ko akalain ang flirt pala ni Rayver! So much for a man of few words.
Biglang may narinig akong tawa, tumingin ako kay Rayver at nakikitang nagpipigil siya ng tawa.
"Bakit?" Ang tanong ko.
"Wala wala, andito na tayo." Ang sabi niya. Linapag niya ako at inalalayan pumasok sa clinic. Bago kami makaliko sa desk ay binulong niya saakin,
"Now I know why Vince likes you"
HUH?!
And now we're back with Vince. So much for a fresh start.
_____________________________________
Almost a month since the last update :( Sorry sobrang busy talaga with work. I'll try to update as much as I can this Holy week! Kayo ano plans niyo for Holy Week?
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...