15 - How to Be-friend a Stranger?

396 13 0
                                    

unedited

_____________________________

"AGH!" Nagising ako sa biglaang sakit sa kamay ko na para bang nadaghanan nang isang building.

Dug!

Aray! Nauntog ang ulo ko sa...saan? Tumingin ako sa taas, ahh kahoy na flat lang pala, sus, kala ko naman kung ano.

Teka...

kahoy na flat?!

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang maduming sahig at madilim na ilalim nang kama na pinasukan ko kagabi. Face-palm! Nakalimutan ko nga pala na nandito ako sa ilalim nang kama ni Vince , nagtatago. Ang tagal kasi niya kagabi, hindi umalis, tsaka pagising gising sa tulog. Kaya ayun nakatulog nalang siguro ako. Tumingin ako sa gilid at nakita ang isang mukha nang lalaki. LALAKE?!

"AHHH!" Sabay kaming sumigaw.

Dug!

At nauntog nanaman ako. Aray. Dalawang bukol na to. Sumilip ulit si Rayver o Reese, namumukaan ko sila nung pinakilala ni Zion yung mga kabanda niya? Twins kasi tsaka madilim pa kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino sa kanilang dawala. Tinignan ko siya at sasabihin na aalis nako nang marinig ko ang boses ni Vince.

"Bro! Ano meron sa ilalim?"

Lumaki ang mata ko at sinenyasan si Rayver/Reese na tumahimik, na siya namang binalikan niya nang ngiti. Ngiting alam mong pang gagalingan nang pang aasar o blackmail mamaya. Facepalm nanaman Viv. Hay nako ano ba naman kasi pinagpapasok mo. Pero buti nalang hindi si Vince ang nakakita. Pag si Vince hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Well, pati din naman ngayon wala din akong valid answer kung bakit ako nagtago sa ilalim nang kama ni Vince.

"ahh may nahulog lang bro. Sige halika na, baka hinahanap na tayo ni Z."

Phew. Thank you.

Maya maya pa ay narinig ko na ang mga footsteps nilang palayo nang palayo, sabay sara nang pinto. Okay, 5 minutes bago ako lalabas. Syempre baka may second thoughts pa silang bumalik diba. Wag naman sana. Nakalipas ang mga ilang minuto na naka tulala ako sa kawalan. Siguro naman nakaalis na sila. Dahan dahan akong lumabas sa pinagkakataguan ko. Okay, stealthily, lumabas ako nang pinto at dahan dahang sinira ito pabalik.

"Ano ginagawa mo dyan, hmm?" May bumulong sa tenga ko.

"Shh, wag ka nga maingay baka marinig ka nila." Ang automatic na sagot ko. Wait....HALA! May nakahuli sakin?! Dahan dahan akong lumingon palikod, silently praying na sana hindi si Vince ang nakahuli.

Phew. Thank you.

Si Ranz lang pala.

"ahh, w-wala may kinuha lang ako na hiniram sakin ni Vince." Ang alibi ko. Bahala na hindi naman maingay si Ranz. Most of the time wala naman siya pake sa mga nangyayari sa paligid niya, so okay lang yan.

"Hmp, sabi mo eh. Pero hindi ako naniniwala." Ang sabi niya sabay diretsyo sa kwarto niya. Edi go, basta hindi lang siya magingay okay na. Bumalik ako sa kwarto at nakitang magulo ito. No surprise kasi Christmas, nakalatag lahat nang gift sa kama o sahig. well, pareho. Hinanap ko agad ang cellphone ko kasi baka naman may importante akong nakaligtaan habang nagovernight sa ilalim ng kama ni Vince.

Ah..may kumikirot na para bang nabugbog ang buong katawan ko, lalo na ang leeg ko.

Hinawakan ko ang leeg ko at minasahe, jusmiyo, ngayon lang ako ulit nag ka body pain nang ganito besides NSTP nung high school. Okay, back to cellphone, buti naman ay may onti pang charge, although nagbblink blink na. Inopen ko ang phone at nakitang, 20 messages and 3 missed calls?! WHAT.

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon