unedited
___________
The class went by smoothly.
Yan talaga gusto ko sabihin. Pero between sa mga swoons at tili ng mga babae (weird, I know. Hindi naman ito concert, balita ko math class to), sa pagiging confused ni jesse, sa evil eye ni Stacey, sa inis ko at sa smirk ni Vince -- walang nag pagaan ng mood ko. Sumama pa ang pagiging smug ni Vince sa pangyayari, lalo na sa paghuli niya sa 'white' lie ko. YES. White lie na may homework ako sa math kaya ako umalis kanina kasi wala naman talaga akong masamang intention. Gusto ko lang naman maka move on at maka get over sakanya. Tsaka iwas gulo narin noh.
Tinawag ako ni Vince after mag ring yung bell. To quote him, ang sabi niya, "Ms. Perez, stay after class" ganun. Nakakainis kasi syempre lahat nakatingin sakin. Medyo naguguilty tuloy ako sa tingin ni Jesse parang sobrang confused niya. ARGHH. Should I open up about kay Vince? Not yung kiss ahh, baka matatagalan baka iopen up ko yun. Wala nga nakakaalam sa side ko eh, hindi ko lang alam kay Vince.
Tumingin ako kay Jesse at sinabing, " Sige mauna ka na, baka malate ka sa next class mo." Hindi kasi kami magkaklase sa next class ni Jesse.
"Sure ka? intayin nalang kita sa labas." Ang sabi niya na para bang takot sa gagawin sakin ni Vince. Gusto ko sana sabihin na hindi naman ako sasaktan ni Vince, well, physically that is. Medyo na cucurious ako sa nangyari sa kanilang dalawa kasi talagang wala nang trust si Jesse kay Vince. Saakin naman mukhang hindi masamang tao si Vince. Sa tagal na nakikita ko siya sa school dati hindi siya yung tipong sumasabay sa mga ka tropa niya mag prank sa mga tao. Minsan nga nasusulyapan ko pa siyang tinutulungan yung mga may kelangan. Hindi lang siguro napapansin ng iba.
Pero para makampante si Jesse, Nag oo nalang ako sa offer niya. Palaging tandaan Viv, mas prioritize mo na si Jesse ngayon kesa si Vince. Halos two years mo rin siya inintay, wala naman nangyari. After lumabas lahat ng tao, lumapit ako kay Vince.
"Bakit, Sir Hernandez?" Ang sabi ko. Sinadya ko talagang last name ang tawag sakanya, just keeping it professional.
Napatawa siya ng onti at tumingin sakin na para bang inaanalyze ako. "No need to be so professional, Viv. Tatanungin lang kita about sa "supposedly" homework natin?" Sabi niya na tinaas ang kamay niya at ginesture ang fingers sa supposedly na pinapamukha sakin na bisto niya ang excuse ko.
Well, hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na aamin ako? NO. "Ahh sa ibang subject pala yun, nakalimutan ko lang kanina sa kakamadali. Yun lang po ba sir?" Sabi ko sakanya. HA!
"Ahh in that case, meron kasing bagong activity na binigay samin kanina. Solo reporting about a certain topic. Dahil responsible ka naman, ikaw na ang napili kong first student na magrereport." Nag angel smile siya. Yung tipong ngiti na parang ang bait bait niya. Pero alam ko sa loob niya tawa na ng tawa. First, siguro alam naman niya na nagsstruggle ako sa math. Kung hindi man niya alam yun pwes alam niya na shy ako sa public speaking.
Tumayo siya at may hinanap sa drawer ng desk. Linabas niya ang medyo makapal na folder na may nakalagay na PROJECTS sa labas. Tumingin siya sakin at sinabing, "lahat ng topics ay nandito, pipili lang ako random para sayo. Kumuha siya at lumabas ang
QUADRATIC FORMULA
okay.
Seriously, may ganun pala kaming topic? patay. Sa loob ko nagpapanic na pero hindi ko pinakita sakanya. Nagsmile ako sakanya. " Sir kelan ko po ito irereport?" Translation: VINCE bwiset ka.
Nagsmile din siya, "After holiday break, goodluck Ms. Perez." Para kaming mga timang naka ngiting aso sa isa't isa. Lumabas na ko ng classroom agad at mineet si Jesse sa labas. Naka sandal lang siya sa wall malapit sa pintuan ng classroom.
BINABASA MO ANG
✔ Ex - Lovers
RomanceOn the outside, ang buhay ni Viv ay perfect - may loving parents, caring boyfriend at loyal bestfriends. Simple at walang kaproble problema. However, Walang nakakaalam na mayroong isang tao na kaya niya isakripisyo ang lahat at ito ang kanyang first...