28 - How to Fake a Smile?

268 10 0
                                    

Pero syempre hindi naman natin nakukuha lahat ng gusto natin eh.

"Vince!"

Isang babaeng napakaganda ang bumati kay Vince nung naglanding na kami sa Pinas. Isang babaeng ang layo lang saakin. Mukha na siyang successful. Kilala pa ni Zion at nang banda nila. Andun kasi sila sa tabi ng pamilya ko.

Lumapit siya kay Vince at yinakap ito. Si Vince naman mukhang natutuwa na makita siya. "Mitzie! Kelan ka nakapunta dito?

"Kahapon lang. Sabi kasi ni Z na..."

"BES!"

Ano ba yan, nakikinig pa nga ako.

"Bes!" Tinapik nanaman ako ni Stacey.

"Oh?!" Ang sabi ko sakanya na medyo irritated.

"Yung bag natin kelangan na natin kunin."

"Pero.."

"Viiv.." Ang sabi ni Stacey na nakatingin sakin ng seryoso.

"O-kay." Dejectedly kong sinabi. Hindi ko maintindihan, baka OA lang ako sa pag selos. Baka naman kaibigan lang yun. Baka dapat hindi ako mangamba. Kaso kasi, yung tingin nila sa isa't isa ay parang si Jesse at Maia.

Kinuha naming ang bag namin at nagstop sa isang food stall. Nauuhaw na daw kasi si Stacey.

"Bilisan mo ahh, nakita na kasi ako ng pamilya ko baka magtaka yun bakit ang tagal ko."

"Okay!"

Hmm, itext ko ba si Vince? Nope, wag nalang pala baka naman magalit siya. Napaka controlling ko naman kung ganun. Baka kung ano isipin. Sige hayaan ko nalang muna. Sino kaya yun? Mitzie daw. Mahaba ang buhok niya, black and straight. Tapos meron siyang rocker vibe. Fit in na fit in sa pagbabanda nila. No wonder close siya kela Zion. Tumingin tingin ako sa paligid, nagbaba kasakaling matyempohan silang dalawa pero ang nakita ko lang ay si Rayver, palabas ng cr.

Wait.

Si Rayver!

Alam niya yun for sure.

Nang lumapit si Stacey bitbit bitbit ang drink na binili niya ay pinabantay ko muna ang bag namin at hinabol si Rayver. Tatanungin ko lang naman kung sino siya.

"Rayver!" Ang pagbati ko sakanya.

"Uy! Viv. Hinahanap ka na nila tita."

"Ahh, kinuha ko lang bag ko. Pupunta narin ako."

"Okay okay, sige alis na muna ako ahh. Nag cacatch up kasi kami kay Mitzie eh. Hindi narin siguro kami magdidinner sa bahay niyo. Pati rin si Vince. May band dinner kasi kami."

"With Mitzie?"

"Huh, oo."

Okay chance mo na Viv. Wag ka na uurong, eto na ang pagkakataon mo matanong kung sino ba siya sa buhay ni Vince.

"Sino siya?"

"Ah si Mitz? Ex-girlfriend ni Vince."

"Ex..ni.. Vince?"

"Oo, pero tumutulong din siya sa band dati. Magcompose ng songs tsaka arrangement ng music. hmm, ang alam ko nagbreak lang sila kasi nagmove si Mitzie pero ngayon bumalik na siya kaya hindi ko alam kay Vince kung ano gagawin niya."

"Matagal ba sila?"

"Almost 6 months sila pero nagkakilala sila ng medyo matagal. Friends muna kasi bago nagging sila. Wait lang...parang curious na curious ka ata?"

"Ha, eh, w-wala! Anong curious..Hindi noh. Napatanong lang ako syempre kasi hindi kayo mag...didinner diba kelangan may masabi ako kay ma. Alam mo naman yun matanong din siya. Lalo na sa mga inaanak niya. Oh sige na magenjoy na kayo ahh."

✔ Ex - LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon